Monday , July 4 2022

Sylvia Sanchez, dream role ang gagampanan sa OFW, The Movie

IPINAHAYAG ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez na dream role niya ang maging isang kasambahay. Ito ang gagampanan niya sa isang advocacy film na pinamagatang OFW, The Movie na pamamahalaan ni Direk Neal “Buboy” Tan.

“Gusto ko lang ikuwento sa inyo na pangarap kong mag-portray ng role na kasambahay. Gustong-gusto ko, kasi ibang atake at alam kong kapupulutan ng aral ito. Hindi to basta-basta katulong lang, huwag natin gawin lang.

“Noong ini-offer sa akin ito, tumawag sa akin ‘yung manager ko, in-explain niya, sabi niya, ‘Ito ‘yung role, ito ‘yung sa OWWA, ito ‘yung sa mga domestic helper, mga ganoon…’ Kaya thank you sa inyo sa pag-consider sa akin, kay direk Neal, sa mga producer, sa OWWA, sa lahat, maraming salamat po,” esplika niya.

Saad ng Kapamilya star at lucky charm and original endorser ng Beaute­Derm CEO at owner na si Ms. Rei Tan, “Masaya ako na maging part ng ganitong klaseng movie, kasi gusto ko na po – sa edad kong ito, gusto ko na po mag-portray ng role na kapupulutan ng magandang aral ng mga kapwa natin Pinoy. Hindi ‘yung basta-bastang role lang dahil gusto kong kumita. Of course masarap kumita, pero mas masarap ‘yung makapagbibigay ka ng magandang ehemplo o message sa role mo… ‘yun ang mga tinatanggap ko ngayon. Kaya ipinagmamalaki ko ang pelikula na ito at proud na ako ang gaganap sa role na Ofelia.”

Nagkaroon ng story conference last March 28 para sa nasabing project na kabalikat ang Overseas Workers Welfare Administration. Nasa OWWA pa si Arnell Ignacio noon as deputy administrator nang simulan nila ni Direk Neal ang proyekto.

Ngayong nag-resign na si Arnell at bago na ang OWWA deputy adminis­trator na si Mr. Hans Leo Cac­dac, natuloy ang project. Sa naturang press­con ay binigyang-diin ni Arnell na pinili nila na maging mga positibong kuwentong based on true story ng mga OFW ang matutunghayan sa pelikulang ito na tatampukan nina Ms. Sylvia, Rafael Rossel, Kakai Bautista, Christian Vazquez, at Dianne Medina.

Kasama rin sa pelikula sina Mel Kimura at ang kilalang indie producer na si Ms. Baby Go na tuwang-tuwa sa pagkakasali sa naturang proyekto. Si Arnell naman ang magsisilbing narrator sa katapusan ng bawat episode.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

LUV Is Caught In His Arms Sparkada

Sparkada Boys malakas ang dating

I-FLEXni Jun Nardo LUMUTANG ang pangalan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Kyline Alcantara, at Bianca Umali sa Sparkada Boys ng GMA Artist …

Rita Daniela

Rita ayaw pa ring pangalanan ang lalaking nakabuntis sa kanya

I-FLEXni Jun Nardo IPINAGDAMOT pa rin ng Kapuso artist na si Rita Daniela nang tanungin ni Nelson Canlas ng 24 Oras kung sino …

politician candidate

Socio-political climber umaariba sa grupo ni congressman 

HATAWANni Ed de Leon ANG lakas ng tawa namin nang marinig na umaariba na naman …

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

Leave a Reply