Thursday , June 4 2026

Aiko, nag-break muna sa showbiz para kay Mayor Jay

HUMINGI ng paumanhin sa ABS CBN ang award-winning actress na si Aiko Melendez dahil napilitan siyang mag-back out sa Kapamilya teleser­yeng Sandugo. Kailangang isa­kripisyo muna ni Aiko ang showbiz career para sama­han ang kasintahang si Subic Mayor Jay Khonghun sa pangangampanya bilang vice governor ng Zambales sa May 2019 elections.

“Apologies to ABS CBN, kasi I was supposed to do a teleserye with them, ‘yung Sandugo. Nakita n’yo na ‘yung publicity shoot na ginawa ko. But sadly, hindi namin  nakita kasi itong mangyayari, itong nangyayari ngayon sa si­twasyon namin ni Jay.

“So, I had to decline. Pasensiya na po and babawi po ako sa inyo. Mas kailangan lang kasi talaga ako ngayon ni Jay. Iyon lang, kaya pasensiya na po,” saad ni Aiko sa ipinatawag na thanksgiving party sa Chateau 1771 sa BGC para sa kanyang double victory as Best Supporting Actress for Rainbow’s Sunset sa 2018 MMFF at Gawad Pasado Awards 2019.

Wika pa niya, “Nakapagpaalam po ako nang maayos thru Tito Boy (Abunda) and humihingi po ako ng pasensiya kay Deo (Endrinal) at kay Direk Erick Salud dahil iyong role na iyon ay ginawa talaga para sa akin. But iyon, ibinigay na nila kay Vina Morales, which is I’m happy dahil kaibigan ko si Vina.”

Nabanggit din niya ang pagkakaabalahan sa simula ng kampanya. “You know, sa buhay ng tao, there’s always a reason, maybe hindi talaga para sa akin dahil mas kailangan ako ni Jay.

“So in that forty five days na ‘yun, we’ll be going around the whole Zambales kaya wala talagang time, so after niyon, God willing I know God is good sana bigyan ulit ako ng magandang project,” pahayag pa ni Aiko.

Bakas naman ang bigat sa dibdib na nararamdaman ng aktres sa pagkakadawit kay Mayor Jay as narco politician. “Iyong ma-accuse iyong taong mahal mo ng isang bagay na alam mong hindi totoo. Masama man pakinggan pero for him to be tagged as one of the narco politicians, that’s something so unfair.

“Kasi, if there’s one person who knows Jay very well, that should be me. And I’ve seen how he works. Wala akong nakitang illegal, e, sa telepono niya, wala akong naririnig na may kausap na kaduda-duda. Even ‘yung drivers niya-10 years, 15 years, mga staff niya, puro taon ang binibilang and sila mismo ang nagba-vouch sa credibility ni Jay.”

Wika naman ni Mayor Jay, “Bago pa ang isyung ito, Subic was awarded as the best implementer of Oplan Tokhang in Region 3, we are the first winner in best Oplan Tokhang in support kay President Duterte kaya nakagugulat biglang lumabas itong accusation na ito.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …