Monday , July 4 2022

VP Leni nanawagan ng agarang solusyon sa krisis sa tubig

QUEZON PROVINCE – Nanawagan si Vice President Leni Robredo na matugunan sa lalong madaling panahon ang problema tungkol sa supply ng tubig sa Metro Manila, lalo sa gitna ng mga tanong tungkol sa pagpapatakbo at pagpa­patayo ng mga dam na pinagkukuhaan ng tubig.

Sa kaniyang pagbisita sa bayan ng Infanta, na balak pagtayuan ng Kaliwa Dam, idiniin ni Robredo ang kahalagahan ng pagseseguro na kasali ang mga residente, lalo ang mga katutubong naninirahan dito, sa pagpapasya kung dapat bang ituloy ang nasabing proyekto, na gagawin sa ilalim ng kontrata sa pagitan ng Filipinas at China.

Dagdag ng Bise Presidente, imbes itulak ang proyekto — sa gitna ng mariin na pagtutol dito — tingnan na lamang ng administrasyon ang pagsasaayos ng mga existing na pinagkukuhaan ng water supply upang mas maraming tubig ang mailagay dito.

Dapat din umanong tugunan ng pamahalaan ang mga tanong tungkol sa pinasok na kontrata, sa pagitan ng Filipinas at China, upang maipatayo ang nasabing dam.

Sumangayon dito ang mga kandidato ng Otso Diretso, at idinagdag na hindi dapat daanin ng administrasyon sa palusot ang kakulangan ng supply ng tubig, na kasalukuyang nakaaapekto sa mga residente ng Metro Manila.

Ayon sa iginagalang na abogado na si Chel Diokno, dapat magkaroon ng komprehensibong plano ang administrasyon, at ayusin ang water policy ng gobyerno, dahil sa ngayon ay “parang watak-watak ito” at “nagkakaniya-kaniya ang mga ahensiya na kasali sa pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Para naman sa beteranong election lawyer na si Romy Macalintal, dapat magtayo ng tankering system ang mga lokal na pamahalaan sa mga lugar kung saan mahirap ang supply ng tubig.

Kasama nina Diokno at Macalintal na tumatakbo sa ilalim ng Otso Diretso sina Senator Bam Aquino, Congressman Gary Alejano, dating senador Mar Roxas, dating congressman Erin Tañada, dating solicitor general Pilo Hilbay, at dating ARMM assemblywoman Samira Gutoc.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply