Thursday , June 13 2024

Krisis sa tubig, dapat solusyonan — Grace Poe

HINIMOK ni Senadora Grace Poe ang gobyerno na maging proactive sa pagtugon sa mga umiiral na problema at pagkukulang ng bansa pagdating sa water supply system.

Bilang isang agricultural country, sinabi ni Poe na dapat tinatamasa ng gobyerno ang Right to Water and Sanitation ng bawat indibiduwal partikular ang mga magsasakang naninirahan sa mga probinsiyang pinagkaitan ng water supply gayong malaki ang naiaambag sa pagpapa­yabong ng sektor ng agrikultura.

Isa sa mga posibleng paraan upang mamantina ang natural water supplies ang pagiging bukas ng bansa sa paggawa ng mga teknolohiya at impraestruktura na tutulong para mapakinabangan ang ulan sa pang-araw-araw na pangangailangan ng Pinoy.

“Kaya nga nagtataka ako na kahit napalilibutan ng iba’t ibang body of water ang mahigit pitong libong isla sa Filipinas, nagkakaroon pa rin tayo ng problema tuwing panahon ng tag-init,” diin ni Poe. “Ilang bagyo ang humahampas sa atin kada taon pero hindi natin lubusang napakikinabangan ang mga tubig na ibinabagsak nito. Panahon na siguro para magkaroon ng pagpaplano at proyekto para magamit nang husto ang tubig mula sa ulan kaya itinutulak po natin ang paglikha ng Water Regu­latory Com­mission.”

“We can hit two birds with one stone—pre­vent flooding and somehow re-direct rainwater to arable agri­cultural lands or to treatment facilities, tur­ning said water into home-friendly public uti­lity for all our households. There should really be a meaningful discourse, plan­ning and fund­ing towards these types of projects to improve our water systems,” dagdag ni Poe.

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *