Friday , July 26 2024
arrest posas

Electrician arestado sa baril, granada at ilegal na droga

ARESTADO ang isang notoryus drug suspek na sangkot sa panghoholdap matapos salakayin ng mga awtoridad ang kanyang bahay na nakuhaan ng baril, granada, mga bala at shabu sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Restituto Arcangel ang naarestong suspek na si Ramon Meraña alyas Jonjon Barok, 43, electrician ng Caimito Road corner Dagohoy St. Brgy. 77.

Ayon kay Station Intel­ligence Branch (SIB) Chief Insp. Jonathan Olvena, dakong 2:10 pm nang salakayin ng mga operatiba ng SIB ang bahay ng suspek sa bisa ng search warrant na inisyu ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Remigio Escalada, Jr., ng Branch 123 sa paglabag sa RA 10591 o the Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Act base sa reklamo ng kanyang mga kapitbahay dahil sa pagpapaputok ng baril lalo na kapag nalalasing na nagresulta sa kanyang pagkaaresto.

Nakompiska ng raiding team sa bahay ng suspek ang isang cal. 45 pistol na may magazine at anim na bala, cal. 38 revolver na may anim na bala, isang granada, tatlong packs ng hinihina­lang shabu at sari-saring identification cards ng iba’t ibang tao. Sinabi ni Chief Insp. Olvena, kamakailan, sinu­god ng suspek ang barangay captain ng Brgy. 77 na naging dahilan upang sampahan ng kasong assault upon a person in authority sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Maliban sa ilang kasong criminal na isinampa kay Meraña, sinampahan din ng pulisya ng kasong paglabag sa RA 10591, RA 9156 o Unlawful Possession of Explosive Devices at RA 9165 o the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *