Saturday , July 27 2024

Tolentino, sinita sa malaking billboard sa Pasay

PINUNA ng isang opi­syal ng Commission on Elections (Comelec) si administration senatorial candidate Francis Tolen­tino dahil sa malaking billboard sa lungsod ng Pasay.

Nagpaalala si Come­lec Commissioner Rowe­na Guanzon sa mga kan­didato sa darating na halalan na dapat sumu­nod sa election rules at kaagad tanggalin ang posters na lumalabag sa itinatakdang 2″x3″ sukat ng campaign posters.

Sa pahayag ni Guan­zon, nababahala siya sa billboard ni Tolentino at tila hindi rin inisiip ng naturang kandidato na may kapangyarihan ang poll body na ipatanggal ang campaign material.

Aniya, hindi magan­dang isipin ng mga kan­didato na walang ka­pang­yarihan ang Comelec laban sa kanilang mga paglabag.

Kaugnay nito, nagba­bala si Guanzon na ang posters na lagpas sa size na itinatakda ng Comelec election rules ay dapat tanggalin ng mga kan­didato o mismong ang poll body na ang gagawa nito.

About hataw tabloid

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *