Thursday , June 4 2026
arrest posas

Helper ginulpi dishwasher hoyo

SWAK sa kulungan ang isang dishwasher matapos bugbugin ang ka-barangay makaraan si­yang tapunan ng tubig sa Malabon City, kamakalawa gabi.

Nilapatan ng lunas sa Tondo Medical Center  (TMC)  ang biktimang si Ian Angeles, 22-anyos, na pinauwi rin matapos magamot ang sugat sa mukha.

Arestado ang suspek na si Romer Cruz, 19-anyos, ng Langaray St., Brgy. Longos, nahaharap sa kaukulang kaso.

Batay sa ulat nina SPO2 Joselito Bagting at PO2 Philip Cesar Apostol, dakong 9:20 pm, nakatayo  ang biktima sa harap ng kainan sa loob ng Langaray Market, Brgy. Longos nang tapunan ng suspek ng pinaghugasang tubig.

Agad gumanti ang biktima at sinabuyan ng tubig ang suspek na nagalit saka pinagsasapak sa mukha si Angeles.

Isinugod ng kanyang pinsan ang biktima sa pagamutan upang magamot ang pinsala sa mukha habang naaresto ng nagrespondeng mga barangay tanod ang suspek.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …