Thursday , June 25 2026
GRACE POE SA PAYATAS — Masasaya ang mga mag-aaral ng Barangay Payatas, Quezon City sa feeding program na isinagawa kahapon ni Senador Grace Poe sa unang araw ng kampanya para sa Senado.

Masang Filipino, malapit sa puso ni Grace

IMBES makigulo at makipagsabayan sa mga kapwa niya kandidato para pagka-Senador sa unang araw ng opisyal na pagsisimula ng pangangampanya, mas piniling makapiling ni Senadora Grace Poe ang mga mag-aaral ng elementarya sa Barangay Payatas, Quezon City kahapon ng umaga.

Bagamat lagi siyang nangunguna sa mga survey na inilabas noon pa mang nakaraang taon, naniniwala ang mababang loob na sena­dora na mas mainam pa rin unahin ang kapakanan ng mga kabataan kaysa ang pansarili niyang kalagayan.

Nanindigan si Poe na sadyang tama at may katotohanan ang sinabi noon ng ating bayaning si Gat. Jose Rizal na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

“Kung ating paiiralin ang pansarili lamang mga adyenda, mahihirapan nating makamit ang tunay na tagumpay at kaunlaran ng bayan. Unahin muna natin ang kapakanan ng mga kabataan dahil sila ang mga bagong henerasyon na magpapatuloy ng ating nasimulan,” pahayag ni Poe habang kasama ang mga mag-aaral ng Barangay Paya­tas, isang komunidad na laganap ang kahirapan.

Tanging si Poe lamang ang kandidato sa pitong reeleksiyonistang Senador na hindi kabilang sa anomang partidong politikal.

Kaya umaasa ang Senadora na ang kanyang matapat na paglilingkod sa publiko ang magda­dala sa kanya sa tagumpay para sa ikalawang termino sa Senado.

Kagaya na lamang ng mga survey na inilabas ng Social Weather Stations, Pulse Asia at ng higanteng RMN radio station, si Poe ang lumitaw na pinakapinagkakatiwalaan ng taong bayan kung kaya siya ang consistent na topnotcher sa mga nasabing survey.

“Marahil ang katapatan sa paglilingkod sa bayan ang pinakamahalagang bagay na nakita ng ating mga kababayan kung kaya muli nila akong pinagkatiwalaan sa pagkakataong ito. Kaya lubos naman ang ating pasasalamat sa kanila,” sabi ni Poe.

Sa pangalawang araw ng 90 araw na pangangampanya, pinili ni Poe na simulan ang kanyang pangangampanya sa Tondo, isang pook sa Maynila na simbolo ng kahirapan at pakikipagsapalaran ng mga mahihirap na makamit ang kaunlaran.

Ito rin ang pook na paboritong gamitin sa paglikha ng pelikula ng kanyang pumanaw na ama na si Fernando Poe, Jr., ang Hari ng Pinilakang Tabing ng Filipinas.

Kaya hindi maiwasang mabalikan ni Poe ang mga tagpo nang isinasama siya sa paggawa ng pelikula ng kanyang ama sa Tondo noong bata pa siya.

“Hindi maiaalis sa puso ko ang mga ekse­nang kasama namin ang masang Filipino kahit noong paslit pa ako. Tumimo na sa isip ko na sila ang mga tunay na masa, sila ang mga tunay na Filipino na nagsisikap para makamit ang kaun­laran ng buhay,” pagbabalik gunita ng Senadora.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Over 21,000 Filipinos Access Job Hiring and Upskilling Opportunities Through SM Supermalls and DOLE’s Nationwide Araw ng Kalayaan Job Fairs

SM in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE) hosted the Araw ng …

FFCCCII Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation

Filipino-Chinese Groups Unite to Deliver P11 Million in Earthquake Assistance

The Filipino-Chinese community, led by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. …

Pag-IBIG Housing Loan 4PH

Pag-IBIG Fund offers promo home loan rates to make more homes affordable under President Marcos’ Expanded 4PH

President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program continues to make …

Bringing Hope to Mindanao COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

Bringing Hope to Mindanao: COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

In the difficult days following the recent earthquake in Mindanao, COSOVA took immediate action to …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …