Thursday , June 13 2024

Joyce Peñas Pilarsky, tiniyak na maaaliw ang viewers sa Ang Sikreto ng Piso

TINIYAK ni Joyce Peñas Pilarsky na maaaliw ang manonood sa kanilang pelikulang Ang Sikreto ng Piso na isang family-oriented comedy film mula MPJ Entertainment Productions at JPP Dream­world Productions, directed by Perry Escaño.

Tampok dito ang real life couple na sina Ariel Rivera at Gelli de Belen na gaganap bilang mag-asawa rin sa pelikulang ito na showing na sa January 30.

Inusisa namin si Ms. Joyce na siyang exe­cutive producer ng pelikula, kung paano niya ide-describe ang pelikula? “Ipinapangako po namin na tatawa kayo sa pelikulang ito, ginawa namin ito para kayo tumawa nang tumawa. It’s for the whole family to enjoy the day together, para mag-enjoy naman sila, makalimutan ang problema, at maging masaya. Kasi, kailangan ‘yun para sa health natin, e.”

Kontrabida ba siya rito? “Oo, ako rito ay kontrabida, first time ito,” matipid na saad niya.

Nanibago ba siya sa ganitong role? “Okay lang, challenge hindi, ba? Nag-enjoy ako, maganda palang gumawa rin ng comedy, tapos maganda rin maging kontrabida, hindi laging mabait ka kasi kailangan ko silang awayin e, kasi di ba inaapi kami?” Nakangiting saad ni Ms. Joyce na isa rin beauty queen, model, at fashion and jewellery designer.

Dagdag niya, “Bale ang kaaway namin dito ay sina Gelli, kinukuha kasi nila ‘yung mga customer namin, e. Nag-aaway kami kasi nag-aagawan kami sa customers. Hahaha!”

Ang “Ang Sikreto Ng Piso” na may PG-rating ay magkakaroon ng premiere night sa January 27 (Sunday), 7:00 pm sa SM Megamall Cinema 7. Mayroon din itong Meet and Greet sa opening day sa January 30-1pm sa SM North Edsa, 4pm sa SM Manila, 7:00 pm at 9:30 pm sa SM Mall of Asia. Tampok din sa pelikula sina Bea Binene, Angelica Ulip, Lou Veloso, Long Mejia, Ricky Rivero, Beverly Salviejo, Wacky Kiray, Ernie Garcia, Raphael Robes, Amberlicious, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …

Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABILni John Fontanilla NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton …

Coco Martin Julia Montes

Tibay at pagiging open nina Coco at Julia pinuri ng netizens 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil mukhang handa na ang mga itong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *