Tuesday , May 28 2024
road traffic accident

SK federation prexy tigok sa sumalpok na sports car

BINAWIAN ng buhay ang Sangguniang Kaba­taan Federation president sa Malolos, Bulacan ma­ka­raan sumalpok ang kanyang sports car sa tatlong bahay at isang nakaparadang jeepney sa Plaridel Bulacan, nitong Lunes ng madaling-araw.

Kinilala ang bikti­mang si Marc Paulo San Diego Manaysay, 24, isa ring konsehal sa Malo­los.

Ang grey sports car ng biktima ay wasak na wasak makaraan suma­pok sa tatlong bahay at isang jeepney.

Bunsod nang matin­ding impact, ang ilang bahagi ng sasakyan ay tumalsik.

Gumamit ang rescue team ng cutter upang mailabas ng sasakyan ang biktima.

Dumating sa pinang­yarihan ng insidente ang mga kaanak ng biktima ngunit tumanggi silang magbigay ng pahayag.

Kasalukuyang iniim­bes­tigahan ng mga awtoridad ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *