Thursday , June 4 2026
dead gun police

Negosyante utas sa ambush sa Subic, Bodyguard sugatan

CAMP OLIVAS, Pampa­nga – Patay ang isang negosyante habang sugatan ang kaniyang bodyguard makaraan pagbabarilin ng isang armadong lalaking lulan ng motorsiklo sa tinu­tulu­yang hotel sa Subic Freeport Zone, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang napatay na si Dominic Sytin, 51, nakatira sa 45 Swallow Drive, Green Meadows, Quezon City, prominenteng negosyante. Habang suga­tan ang kaniyang body­guard na si Efren Espartero, 45, ng nabanggit ding lugar.

Mabilis na nakatakas ang ‘di kilalang gunman patu­ngong SBMA Kalaklan Gate, sakay ng motorsiklong itim na Mio.

Ayon sa ipinadalang report ng Olongapo PNP, nangyari ang insidente sa Lighthouse Hotel sa Water­front Road ng nasabing lugar bandang 7:30 ng gabi.

Papasok ang biktima nang biglang binaril ng suspek sa bandang likod at kaliwang bahagi ng ulo na nagresulta sa agaran niyang pagkamatay.

Habang tinamaan ng ba­la sa kamay at katawan ang kanyang bodyguard na binaril din ng suspek.

 (RAUL SUSCANO)

AMBUSH KAY SYTIN
KINONDENA NG SENATORS

KINONDENA nang ilang  senador ang pamamaril sa labas ng hotel sa Subic bay freeport sa businessman na si Dominic Sytin, ang pre­sidente at founder ng United Auctioneers, ng dalawang riding-in-tandem.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, kilala ng mga senador si Sytin at kasama ang nego­s-yante sa  kanilang viber group, kabilang ang ilang cabinet secretaries.

Sa kanilang viber group ay nagpahayag ng pagkon­dena at pagkalungkot sina Senadora Grace Poe at Senador Ralph Recto, na maghahain ng resolusyon sa Lunes para kalampagin ang Philippine National Police (PNP) na habulin at hulihin ang mga suspek sa pagpa­tay kay Sytin.

Ayon kay Zubiri, maging si Executive Secretary Salvador Medialdea ay agad nakipag-coordinate kay PNP chief, Director General Oscar Albayalde at sa pamunuan ng Subic, nang mabalitaan ang insidente.

Agad nagsagawa nang mahigpit na seguridad at ini-lock down ang lahat na lagusan sa Subic.

(CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

PSC

PSC ginagamit ang kapangyarihan sa pangangasiwa upang tiyakin ang wastong paggamit ng pondo ng pamahalaan

ANG Philippine Sports Commission (PSC), na itinatag sa bisa ng Republic Act No. 6847, ay …

Cayetano Hataw Ilegal Yan

Ilegal ‘yan – cayetano

HAYAGANG kinuwestiyon ni Senate President Alan Peter Cayetano ang legalidad ng pagluklok ng kaniyang mga …

060426 Hataw Frontpage

Cayetano group habang naka-boykot; Senate President Pro Tempore inihalal
GATCHALIAN ITINALAGANG ACTING SENATE PRESIDENT

HATAW News Team HABANG nakaboykot at anila’y nagse-session si Senate President Alan Peter Cayetano sa …

DOST 10 Bukidnon BUKIFCARB MPC

Exploring Engineering Solutions to Enhance Muscovado Production for Bukidnon Sugarcane Farmers

Sugarcane farmers of the Bukidnon Farmers CARP Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (BUKIFCARB MPC) in Don Carlos, …

DOST XII-PSTO Socot South Cotabato Business Conference 2026

Innovate. Collaborate. Elevate. -DOST XII-PSTO Socot Highlights Startup and iHub Initiatives at South Cotabato Business Conference 2026

The Department of Science and Technology – SOCCSKSARGEN Region (DOST XII), through its Provincial Science …