Friday , December 9 2022

Kris, nakipag-peace na kay James

HARINAWANG mapangata­wanan—nang ‘di mapag­tawanan—ang pakikipag-peace ni Kris Aquino kay James Yap bilang pag-alala sa kanilang wedding anniversary 13 years ago.

Wala ngang kaabog-abog na bigla na lang nag-emote sa kanyang social media account si Kris, gayong ang alam ng lahat, a few weeks ago—in her radio guesting—ay isa ang nakaraan nila ni James sa mga paksang tinalakay niya.

Bago rin dito, minasama rin ni Kris ang pagbati ni James ng happy birthday sa anak nilang si Bimby.

Sa madaling salita, on two accounts ay alam ng publiko na walang ganap na kaayusan sa kanila ng dating asawa, pero heto’t may flashback si Kris sa petsa ng kanilang anibersaryo?

‘Di pa nakuntento ay may peace offering pang karugtong ang post na ‘yon, ha?

Bagama’t marami ang natutuwa sa gesture na ‘yon ni Kris ay marami rin ang duda sa kanyang sensiridad. Baka raw kasi mamaya ay mag-iba na naman ang ihip ng hangin (read: takbo ng utak niya).

Bagama’t maganda ang intensiyon ni Kris na magkaayos na sila finally ni James ay tatanungin mo: Sino ba kasi ang nauunang mamburaot ng sitwasyon?

Alam nating nananahimik si James na bigla na lang mabubulabog sa mga isyung muling binubuhay ni Kris. For all she knows, kasama sa pananahimik ng basketbolista ang tuluyan nang pagbura sa kanilang anibersaryo na si Kris lang ang nakakaalala.

Kung ito ang sukatan ng pagmu-move on ng isang tao mula sa kanyang nakaraan, malinaw na wala pa sa stage na ‘yon si Kris.

Ang dali-dali naman kasing magkaroon ng “amnesia mode” sa mga bagay—tulad ng kanilang anniversary—na sangkot ang taong nagdulot sa kanya ng pasakit sa buhay.

At sa tulad ni Kris na halos hindi na yata magkandaugaga sa rami ng trabaho, talagang nagkaroon pa ng espasyo sa utak niya ang anibersaryo nila ni James?

And the height to talk about peace mula sa isang tao who has—for a couple of times—waged battles against James.

Sana lang ay mapanindigan nga ni Kris ang kanyang post na kung tutuusi’y puwede naman niyang idinirekta na lang sa taong concerned and not via social media.

Tapos mamasamain ni Kris ang mga nakisawsaw, eh, ginawa niyang carinderia ang social media na bukas sa lahat ng gustong kumain.

And make it 24/7.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply