Wednesday , December 7 2022

Liza, binatikos na lampa; Angel, ‘di pinalampas

NAGBUBUNYI ang sup­porters nina Enrique Gil at Liza Soberano dahil sa umereng episode ng Bagani nitong Martes ay nakabalik na sila sa Sansinukob bilang sina Lakas at Ganda kaya naman nag-trending sila.

Nailigtas nina Lakas at Ganda ang kapwa nila mga Bagani na sina Matteo Guidicelli (Lakam), Zaijian Jaranilla (Liksi), at Makisig Morales (Dumakulem) nang muntik na silang mapatay ni Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Laking gulat ni Sarimaw nang makita niya ang dalawang Bagani na matagal nawala sa paningin niya kaya naman gigil na gigil siya dahil kompleto na ang grupo at mahihirapan na siyang magapi sila.

Ang saya-saya rin ng mga taga-Sansinukob dahil kompleto na ang mga Bagani at nakasisiguro na sila sa kanilang kaligtasan pero ang hindi nila alam ay mas may matitinding hirap pa silang daranasin.

Sa kabilang banda, hindi pa rin ligtas pala si Kidlat (Rayver Cruz) dahil kapag galit siya ay nag-iiba ang anyo at lakas niya, hindi nga lang sigurado kung kakampi siya hanggang sa huli ng mga Bagani o tuluyan na siyang makukuha ni Sarimaw.

Anyway, binatikos naman ng isang follower ni Angel Locsin si Liza na isang lampa at walang napatutunayan sa Bagani.

Ayon sa follower ni Angel na si Jason Sagun, “Ikaw na lang po sana nag Darna ms @therealangellocsin kaya mo din pala mag-action ngayon sayang lang po ‘yung pinalit pa sa yo, lampa pa wala pang napatunayan kahit sa Bagani ang lamya kumilos.”

Hindi pinalampas ni Angel ang komentong ito dahil kaagad niyang sinagot, “not true. she can do action scenes really well 🙂 sana stop na to. Thanks.” 

Nag-post kasi si Angel ng video nag-eensayo siya para sa kakailanganin niyang mga eksena sa nalalapit niyang serye na The General’s Daughter mula sa Dreamscape Entertainment.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply