Saturday , December 10 2022

Palawan Balladeer, dream maka-duet si Regine

IDOLO ni Pong Idusora, magaling na balladeer mula Palawan sina Martin Nieverra, Gary Valenciano, atOgie Alcasid kaya gusto niyang makasama ang mga ito sa isang konsiyerto.

Subalit ultimate dream naman niyang maka-duet si Regine Velasquez na sobra-sobra niyang hinahangaan.

Ito ang inilahad ni Pong nang ilunsad ang kanyang single na ‘Di Kita Ipagpapalit mula sa Lodi Records na pinamahalaan ni Blank Tape noong Sabado sa K.O. Bar sa Fairview.

Mula Palawan si Pong na ang ‘Di Kita Ipagpapalit ay kuwento mula sa sarili niyang karanasan.

Kaya naman mismong si Pong ang nagsulat ng awiting ito. Minsan na rin kasing umibig ngunit iniwan siya ng kaniyang minahal. At kahit anuman ang nangyari, hindi niya ipagpapalit ang babaeng nagpatibok ng kaniyang puso.

Ani Pong, tamang- tama ang awitin niya sa mga taong nagmahal at nasaktan. At in fairness, maganda ang melody at madaling tandaan ang lyrics.

Nasa digital market na ang single niyang ‘Di Kita Ipagpapalit at puwede nang mabili sa Spotify, Itunes, Amazon music  at iba pa.

Pinatutugtog na rin ito sa ilang radio stations dito sa Maynila at kalapit lugar. Patok na patok din ang awiting ito sa Palawan bilang si Pong ay tagaroon.

Natutuwa si Pong dahil ganoon na lamang ang suportang ipinakikita sa kanya ng kanyang mga kababayan.

Nagsimula ang career ni Pong nang may nakapansin sa kanya habang kumakanta ng live sa Facebook. Pawang mga komposisyon pa ni Pong ang kinakanta niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

vhong navarro tanya bautista

Tanya masayang-masaya sa pansamantalang paglaya ni Vhong

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para kay Vhong Navarro para sa pansamantala nitong kalayaan. Nitong …

Alfred Vargas

Alfred Vargas, passion ang showbiz at paglilingkod sa bayan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKATATLONG termino bilang congressman ng District 5 ng Quezon City …

Blind Item, Male Celebrity

Newcomer nalungkot, P3,500 lang ang pay sa pagbubuyangyang

ni Ed de Leon FRUSTRATED ang isang new comer, kung ano-ano raw ang ipinagawa sa kanya sa …

Vilma Santos Roderick Paulate

Sitcom nina Ate Vi at Kuya Dick naunsyami; Commercial, pelikula nakapila na

HATAWANni Ed de Leon APEKTADO na naman ang schedule ng dapat sana ay haharaping trabaho …

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo tinawag na cheap, na beastmode

MATABILni John Fontanilla HINDI nakapagtimpi at pinatulan na ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang netizen na inilarawan …

Leave a Reply