Friday , April 26 2024

Ced Torrecarion, bilib kina Coco, Joel, Lou, atbp.

MASAYA ang actor/model na si Ced Torrecarion sa pag-aala­ga sa kanyang showbiz career ng Powerhouse, Arte. Halos one year pa lang si Ced dito at kontento siya sa nangyayari sa kanyang pagbabalik-showbiz.

“Ngayon, I’m with Power­house, Arte, ‘yung mga owners kasama si Ibyang, Ms. Sylvia Sanchez, sila Bobby Causela, Corie Criste, Smokey Manaloto, Tita Anna Goma… Maganda kasi sa Powerhouse, they treat everybody equal, no superstars as they treat their artists as family. Kasi karamihan sa amin character actors, e,” nakangiting saad ni Ced.

Aniya, “Thank God, everything’s doing well. Before I started I still had mga five endorsements, TV commercials, and abroad. Then I’m doing… kasi I was an international model so ‘yon, aside ‘to from doing my day job with Ram’s Travel, ‘coz now I’m the Operation’s Man­ager of Ram’s Travel and Exe­cutive Consultant to the Vice President for RDL, kay Merce Lim. So, ‘yun ang ginagawa ko.”

Si Ced ay nagsimula sa showbiz bilang member ng Star Circle Batch-9, kasama niya rito sina Heart Evangelista, Alfred Vargas, Dennis Trillo, Rafael Rosell, at iba pa. Actually, bago siya naging Kapamilya artist noon ay sumabak muna si Ced bilang commercial model, at saka nalinya sa paggawa ng pelikula at TV show.

Una siyang napanood sa youth oriented TV series ng Dos na Tabing Ilog, tapos ay sa Labs ko si Babe at iba pang shows. Nakagawa rin siya ng pelikula at sumabak sa ilang stage play. Recently, gumanap si Ced bilang isang NBI agent sa seryeng Blood Sisters ni Erich Gonzales. Nakatakda rin niyang pagbida­han ang stage play na Parable of The Lost Sheep sa Baguio na gaganap siya bilang Jesus Christ.

Sinong artista ang gusto niyang sundan ang yapak? Sagot niya, “Si Joel Torre, kasi hindi siya showbiz, e. Isa pang hi­nahangaan ko ay si Tito Lou Ve­loso, one of my mentors. Si Tito Lou kasi, napakasimpleng tao niyan.

“Pero the one na sasabihin ko ha, for me, cause he started talagang nag-extra-extra siya… So, for me, isa sa mga tinitingala ko ngayon, si Rodel. I call him Rodel kasi that’s how I met him, si Coco Martin. Extra pa siya noon, ngayon bida na siya, producer, direktor. Bilib ako kasi alam niya kung saan siya nanggaling and he’s helping people, he’s helping our industry, ‘yung mga artistang walang trabaho, nabibigyan niya ng trabaho,” wika ni Ced na idinagdag na sina Edu Manzano, Gabby Concepcion, Dante Rivero, at Eddie Garcia sa mga hinahangaan niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *