Thursday , September 29 2022

Tonz Are nagma-manage na ng talent, may libreng acting workshop

BUKOD sa pagiging abala sa kaliwa’t kanang indie films, pinasok na rin ng award-winning indie actor ang pagma-manage ng talent. Una niyang aalagaan at tutulungan sa mundo ng showbiz ang kanyang naka­baba­tang kapatid na si Celso Are.

Bilang tulong sa mga as­piring actors, may ibinibigay si Tonz na libreng acting workshop. Kabilang sa mga kabataang tinutulungan niya sina Aerozekiel C. Tan, Aerika Faith C. Tan, Chaz T. Feliciano, Princess Fiona T. Concepcion, Reign Joy Lim, Aerikezedek C. Tan, at Hannah Reign Lim.

Nabanggit din ni Tonz ang mga bagong pelikula niya, ”My new film ako, ‘yung Rendezvous sa direksiyon ni Marvin Gabas under Knight Vision Production. Executive producer is Enouch Cruz at kasama ko po rito sina Ms. Gina Pareño, Patani Daño, Jiana Arigue, at iba pa. Ang screening po ay sa July 28, 2018 sa SM Aura, BGC at Aug. 11, 2018 sa SM Trece Martirez, Cavite po.

“Ang iba ko pang movie ay Onna sa direksiyon nina Joel Mendoza and Bong Bordones. Iyong Onna po, it’s a Japanese word na ang meaning ay babae. Horror film po (siya) and I play the role of Rione, brother ng Onna played by Kristine Mangle po. Ang isa ko pang movie ay Agulu, kasama po namin dito si Janice Jurado, nanay ko po siya, Kristofer King, Pamela Ortiz, Amaya Vibal, at iba pa. Sobrang happy ako na naging nanay ko sa pelikula si Janice, isang karangalan ang maka­eksena ko ang veteran actress na tulad niya,” saad ni Tonz.

Dagdag niya, “Ang Agulu po ay entry sa Toronto Film Festival sa Canada, at ito’y sa direksiyon ni Reyno Oposa. Sobrang ganda ng istorya nito at ang daming aral po na mapupulot, lalo sa kabataan dahil about po ito sa droga.”

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply