Thursday , June 4 2026

Dr. Hayden Kho, tatakbong kongresista?

PINATATAKBONG kongresista sa Marinduque ang asawa ni Dra. Vicky Belo na si Dr. Hayden Kho para palitan ang kasalukuyang nakaupong si Representative Lord Allan Jay Velasco.

Ang sitsit ay si Ms Regina Ongsiako Reyes umano ang magsabi kay doc Hayden na kumandidato sa 2019.

Ayon pa sa balita ay nawala sa puwesto niya bilang kongresista ang una dahil sa isyung citizenship.

Na-quote naman si Dr. Hayden na totoong may kumausap sa kanyang kumandidato pero hindi niya binanggit kung sino at wala rin siyang sagot kung itutuloy niya ang pagtakbo sa 2019 election.

Tinanong namin ang wifey ni Dr. Hayden na si Dr. Belo kung tatakbo nga ang hubby niya, ”No Reg, it’s not true!  Hayden doesn’t want! I also don’t want. Our life is quiet and politics is magulo,” diretsong sagot sa amin.

As of now ay abala sina Hayden at Belo sa pagpapatakbo ng Belo Medical Center at nag-eenjoy sila bilang proud parents ni Scarlet Snow  na sikat na rin ngayon sa social media at paggawa ng TVC.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …