Thursday , June 25 2026

Shamcey, may payo sa mga aspiring beauty queen

BILANG 2011 Miss Universe 3rd runner-up ay may maipapayo si Shamcey Supsup sa mga aspiring beauty queen.

“Ako sa ‘Binibining Pilipinas,’ I always advise the girls that you shouldn’t join pageants just for the sake of winning and getting a crown or getting famous. Parang there should be a reason why you’re doing something like this.

“It’s a stepping stone to something more.

“It’s either, if you have an advocacy, you wanna be a voice about something, you wanna stand up for something then use that voice.

“Or if you wanna pursue a career in showbusiness then be a good actress, be a great actress, ‘di ba?

“So parang being a beauty queen opens a lot of doors for you and for me it has changed my life like I never imagined na magkakaroon ako ng ganitong klaseng buhay and thanks to being a beauty queen, and I owe it to ‘Binibining Pilipinas’ and to ‘Miss Universe’ for giving me that confidence.

“Sabi ko nga, ganoon pala ‘yun, na parang hindi lang as a beauty queen, in everything that you do, you have to be  confident pala, like even though you feel inadequate but whenever you pursue something parang lagi kang dapat, ikaw pa lang mismo confident ka na.

“Para ‘yung ibang tao, magiging confident na rin sa idea mo.”

Sa ngayon, bukod sa restaurant businesses nila na Pedro ‘N CoiTambayan Ni Pedro, at ang bagong bukas na Scott Burger by PNC ay hands-on mom si Shamcey sa anak nila ng mister niyang si Lloyd Lee na si Nyke, bukod pa  sa apat na buwang buntis ngayon si Shamcey.

Enjoy din si Shamcey kapag naiimbitahang maging judge o host sa mga beauty pageant.

At bilang isang licensed architect ay si Shamcey din ang arkitekto ng mga restaurant nila.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …