Wednesday , October 5 2022

Kris, sinorpresa si Bistek (sa pa-birthday party ng mga HS friend)

PAGKATAPOS mabalitang magkasamang nanood ng pelikulang Kasal, muling nagkasama sina Kris Aquino at Quezon City mayor Herbert Bautista, sa isang sorpresang pa-birthday party ng mga kaklase ng actor-politician noong high school. Ito’y ginanap noong Miyerkoles ng gabi sa isang restoran sa Quezon City.

Sa ipinadalang picture ng isang kaibigan, itsinika nitong malapit sa restoran ang shooting ng pelikulang ginagawa ni Kris, ang I Love You Hater ng Star Cinema na pinagbibidahan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Kaya nang mag-change camera set up, nagpaalam sandali ang Queen of Online World and Social Media nang malamang dumating na sa venue si Herbert.

Pumunta si Kris sa naturang birthday party para bumati kay Herbert gayundin sa mga kaibigan ni mayor.

Ayon pa sa tsika, ikinatuwa ang mga kaibigan ni mayor ang sorpresang pagdating ni Kris. Kaya naman may nagbiro at nagparinig pa ng, “Pare, kaya pala nagpabango ka pa!” patungkol kay Herbert.

Kung ganitong nadadalas ang pagsasama nina Kris at Herbert, totoo nga yatang magkaibigan na lamang sila.

Sinabi na rin naman kasi minsan ni Kris na hindi siya nililigawan ni Herbert at magkaibigan sila.

Samantala, isang video post ang ibinahagi ni Kris sa kanyang Instagram account. Iyon ay ukol sa pagkakaibigan na ipinakita muna ang mga salitang, ‘Friendship is when people know all about you but like you anyway,’ na sinundan ng iba’t ibang pictures nila ni Bistek.

May caption iyong, “i like the authenticity of this platform because you get to read it straight from me… 4 years ago we reconnected & attempted a “relationship”- but life & responsiblities got in the way… 4 years after i’m proud of the choices we made because we both have children we love & are very proud of. And he did right by prioritizing them, (advanced congratulations for Saturday’s BLESSING)… I won’t lie- it took a lot of patience on his part & a lot of acceptance on mine to reach where we are. Trust me when i say- it is possible to 1 day be chill about a broken heart- because without it i wouldn’t have received lasting friendship… Reality check: i haven’t been a success at relationships, but i’m succeeding as a true friend & more than that, more than all our “accomplishments”- i know we’re both the best parents we can be. And that WINS over everything else in this ever changing, temporary world. I’m HB’s true friend, and i’m 100% sure he is mine… They say you can’t move on to the next chapter of your life if you haven’t made peace w/ the last- i’m finally ready for the continuation of my life story, and i still have hope that a new character will be introduced because i do still deserve a love story w/ a happily ever after. (Kuya & Bimb approved of course.) #grateful #peaceful #loved =؝Ü

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply