This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Dahil sa alagang-alaga siya ng kanyang mentor-director na si Direk Reyno Oposa ay malaki ang chance na makilala in the near future ang mahusay na newcomer actor na si Brav Barretto na ang baptism of fire ng career sa showbiz ay indie film na “Agulo: Hinagpis Ng Gabi, produce at idinirek ni Oposa.
Kuwento ni Direk Reyno, nang amin siyang maka-chat two nights ago, napakabait daw na bata ni Brav at seryoso sa kanyang craft na as a first timer ay mahusay nang umarte at propesyonal pagdating sa trabaho.
Nang maka-eksena raw ni Brav ang isa sa kanyang lead actors sa Agulo na si Kristoffer King ay nakita niya ang potential nito na puwedeng sumunod sa yapak ni Kristoffer na nakilala internationally at nagkaroon ng international award.
Kaya hindi pa man naipalalabas ang unang indie movie na Agulo na magkakaroon ng advance international screening sa ilang selected cinemas sa Toronto ay bibida si Brav sa short film ni Direk Reyno na Bulong (Whisper), makakasama niya ang co-actor sa Agulo na si Khristian Michael Villanueva.
Ang plot ng story o storyline ay tungkol sa child abuse na ni-rape ng kanyang stepfather. Pang-award daw ang pelikula at malay natin, baka magkaroon agad ng acting nomination dito si Brav. Ang Bulong ay isasali ni Direk Reyno sa ilang International Film Festival.