Wednesday , October 5 2022

Ara, tatakbo para sa mga batang may down syndrome

MALAKI talaga ang puso ni Ara Mina sa mga nangangailangan ng tulong. Hindi na rin bago ang pagtulong niya sa mga nangangailangan lalo na iyong may mga special need tulad ng mga batang may down syndrome.
Hindi naman kaila sa atin na ang kapatid niyang si Mina Princess Klenk o Batching ay may down syndrome. Kaya naman muli, isang malaking event ang ginawa ni Ara, ang tARA na sa ARenA, Celebrity Fun Run na gaganapin sa May 27 sa paikot ng Philippine Arena.
Bale ikalawang big event na ito ni Ara para sa mga batang may down syndrome. Ang una niyang ginawa ay isang concert sa Araneta Coliseum.
Magsisimula sa 500 meters hangang 10 kilometers ang puwedeng takbuhin ng mga sasali.
Ang fun run ay lalahukan ng mga kaibigan ni Ara tulad nina LJ Moreno, Jimmy Alapag, Say Alonzo, Christine Bersola-Babao, Jan Marini, Jaycee Parker, Diana Zubiri at asawa nito, Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.
Bukod sa fun run, mayroong ding concert sa gabi na tampok si Martin Nievera at Celebrity Bazaar na 10:00 a.m. pa lang ay bukas na, at Zumba na pamamahalaan ni Saicy Aguila at ni Inah Raymundo.
Ani Ara, bukas ang fun run at celebrity bazaar kahit sa mga hindi celebrity. “It’s a whole day affair. Kaya sana marami ang makipag-participate.”
Naikuwento rin ni Ara na lucky charm niya si Batching dahil nang ipanganak ito’y kasabay ng pagkakatanggap sa kanya sa That’s Entertainment. Bago kasi siya nag-audition dito’y sa Ang TV (at sa iba pa) muna siya pumila subalit hindi siya sinuwerte roon.
Aniya, personal niyang inaalagaan si Batching lalo na kapag hindi na kaya ng kanyang ina. ”Dapat dalasan natin ang mga activity para sa kanila, i-treat sila as normal para maging normal din ang mga action nila.
“At kapag tatanungin mo yan kung kanino siya sasama, it’s either sa akin o sa isa kong kapatid na lalaki, si Holy.”
Samantala, buong ningning namang ikinuwento ni Batching, (26 na sa June 1) na si Paolo Avelino na ang bago niyang crush. Pinalitan na niya ang dating crush na si Dennis Trillo.
“May mga random jokes kami, ito yung tatlo kaming buntis na two months apart nina Haidee, Cristine, ako. Si Haidee na sumunod sa akin ang unang nanganak, tapos ako, tapos si Cristine. Nasabi niya one time nagdi-dinner kami, sabi niya, ‘Ate, buntis ako!’
“Sabi ko ‘ha?!’ ‘Sino tatay?’, sabi niya, ‘si Paolo Avelino.’”
Para sa mga interesado, mag-register online sa www.runrio.com o sa mga registration sites tulad ng Toby’s Sports, Hazerberry Café, at Philippine Arena.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply