Thursday , September 29 2022

Vlogger Riva, sensitive pagdating sa pamilya; basher, ipinagdarasal para matauhan 

INAMIN ng Star Magic artist na si Riva Quenery na nakatatanggap din siya ng mga panlalait sa pagiging vlogger at okay lang lahat sa kanya huwag lang idamay ang pamilya niya.

“Sobrang sensitive po ako pagdating sa family ko, lalo na kapag nilalait nila ang physical appearance ng mga kapatid ko like nag-vlog ako na pinakanta ko ‘yung kuya ko, ‘may magsasabing feeling guwapo’. Expected ko naman po na iba-bash ako, pero ibang usapan na po pala kapag family ko na. Or idya-judge ka ng hindi maganda,” kuwento ni Riva.

Lahat ay ipinopost ni Riva sa vlog niya ang tungkol sa pamilya niya, ”open po kasi ako.”

Sa tanong kung ano ang payo niya sa mga kapwa niya vlogger na nakatatanggap din ng pamba-bash, ”normal po na masaktan ka talaga tulad ko, pero ang ginagawa ko dinedeadma ko na lang sila at parati ko silang ipinapanalangin na sana matauhan din sila na hindi na sila mang- bash ng ibang tao kasi hindi na maganda,”pahayag ni Riva.

Taong 2016 nang simulan ni Riva ang vlogging career niya, ”dati ay nag-a-upload palang ako sa Youtube ng mga video hindi ko pa po trabaho ‘yun, more of a hobby lang po, tapos noong nanood ako ng nanood ng ibang Youtubers, may mga naging inspiration at naisip ko na mag-try ako na mag-blog. Tapos nag-upload din ako ng covers, at kung ano pa po ‘yung request ng supporters po. ‘Yung sa self-vlogging nakikita nila ‘yung pagiging raw at kung paano ka tumawa, ako na rin ang nag-edit at bahalang mag-isip ng concept.”

Kuwento naman ng Mommy Sally ni Riva, nakitaan na niya ng interes ang anak noong high school na mahilig magpo-post at mag-e-edit, kaya hinayaan niya dahil ito ang naging libangan ng dalaga at hindi rin naman lumalabas ng bahay. ”Bahay, school lang ang ruta niya kaya hinayaan ko sa mga ginagawa niya,” sabi ng mommy ng dalaga.

At bago pa nakilala sa showbiz si Riva ay nakamit na niya ang titulong YouTube’s Popular Silver Play Buttonaward dahil umabot sa 100,000 ang subscribers niya at bago nagtapos ang taon ay naka-340,000 na ang Rivblog niya.

Isa rin sa passion ni Riva ang pagsayaw kaya siya naging miyembro ng Girltrends na kalaunan ay nawala na siya base na rin sa desisyon ng management at ngayon ay miyembro ng Power Impact na nanalong 3rd place sa Team Division sa World Dance Manila 2018 at nakatakdang lumaban muli sa World Dance na gaganapin sa Los Angeles, California ulit ngayong taon.

At sa darating na Mayo 27, magkakaroon siya ng birthday concert sa SM Skydome at ang proceeds ay mapupunta sa Tahanang Mapagkalinga ni Madre Rita.

Kuwento ni Riva, naging advocacy na niya ang tumulong sa streetchildren, ”naisip ko na what a better way to celebrate it than to make my supporters happy and then ‘yung mga less fortunate na tao.”

Ang special guests ni Riva sa Rivlog Live ay sina Krissha Viaje, Sammie Rimando, Zeus Collins, Awra Briguera, at Maris Racal.

Ang Rivlog Live ay produced ni Hermie Carreron at ididirehe ni Marvin Caldito at para sa tickets, maaraming tumawag sa 470-2222 or visit www.smtickets.com.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply