Wednesday , October 5 2022
FBOIS Julian Trono Vitto Marquez Andre Muhlach Jack Reid Dan Hushcka

Julian, Vitto, Andrew, Dan at Jack, bibida sa Squad Goals ng Viva Films

TATLONG dekada na nang ipalabas ng Viva Films ang Bagets (1984) na nagmarka. Gayunman, ang mga tema tulad ng pagiging adventurous ng mga kabataan, ang kagustuhang manatiling totoo sa sarili, at magkaroon ng sense of belongingness, ang hindi bumigay sa harap ng mga pagsubok sa pag-aaral, relasyon, at pamilya, at ang katuwaang maranasan ang mga ito kasama ng mga tunay na kaibigan – lahat ng temang nabanggit ay makabubuo ng isang makatuturang pelikula.

Kaya naman handog ng Viva Films ngayong summer ang pelikulang Squad Goals mula sa multi-awarded filmmaker na si Mark Meily.  

Ito ay pinagbibidahan nina Julian Trono, Vitto Marquez, Andrew Muhlach, Dan Huschka, at Jack Reid bilang mga college student na naging magkakaibigan sa gitna ng mga kaguluhan na puwedeng magpatalsik sa kanila sa paaralan.

Si Julian si Benj, Engineering student at may alyas na “Young D” bilang dance guru. Si Vitto si Tom, HRM student at  varsity team captain at three-time MVP.

Ang Filipino-German na si Dan ay si Hans, isang mahiyaing music genius na napapabayaan ang pag-aaral dahil sa pagkuha ng gigs bilang DJ. Si Andrew ay si Nat, ang class clown at best friend ni Tom.

Si Jack ay si Pads, isang Mass Comm student na nagtatrabaho bilang part-time bartender, kaya antukin sa klase.

Dagdag  excitement sa  pelikula ang pagganap ni Ella Cruz, kasama sina Carlyn Ocampo, Aubrey Caraan, Sam Capulong, at Victoria Pilapil.  

Palabas na ang Squad Goals sa mga sinehan sa May 9.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply