Sunday , July 3 2022

Glenda Victorio, milyonarya sa edad 20

TIYAK na marami ang naiinggit sa katayuan ngayon ni Glenda Victorio, 20, at isang matagumpay na online businesswoman.

Sa launching ng pinakabagong produkto ni Glenda sa pamamagitan ng kanyang Brilliant Skin Essentials, ang Tomato facial at Briscilla Cosmetics Main, sinabi ni Glenda na hindi naging madali para maabot ang kasalukuyang kinalalagyan.

“Maaga akong nakapag-asawa kaya naman lahat ng klase ng trabaho talagang ginawa ko.

“Pumila rin ako sa ‘Pinoy Big Brother’, kasi nga hilig ko ang sumayaw at umarte. Pero siguro talagang hindi para roon ang kapalaran ko,” kuwento ni Glenda na tubong Morong Rizal na dahil sa tagumpayd ng Black Charcoal Soap ay nakapagpundar ng apat na sasakyan, malaking bahay, at malaking planta sa kanilang lugar.

“Noong mauso ‘yung negosyo online, ‘yun ang ginawa kong negosyo. Pumunta kami ng Divisoria at kung ano ang puwedeng ibenta, ibinebenta ko online. Kahit ano pa ‘yan—make-up, sabon, damit, at kandila. Kung ano ang napapanahon at uso, kinakarir ko,” kuwento ni Glenda habang hindi pa nagsisimula ang magarbong party na pagpapasalamat din niya sa mga naging reseller ng kanyang produkto.

Mula sa kanyang supplier ng kandila, bumuo sila ng Black Charcoal Soap at mismong si Glenda ang unang sumubok nito. ”Talagang grabe ang mukha ko, nagnanaknak. Siyempre sinubukan ko muna at kuminis naman talaga ang mukha ko sa loob ng apat na buwan,” pagmamalaki ni Glenda.

Mabibili na sa iba’t ibang parte ng ‘Pinas at abroad ang produkto ng Brilliant Skin Essentials at nagpapasalamat si Glenda sa mga tulad niyang misis na nagtiyaga ring magtinda ng kanyang produkto.

Nang tanungin kung pangarap pa bang mag-artista ni Glenda. Mataray nitong sagot, ”Kahit hindi na ako mag-artista ngayon!”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply