Wednesday , July 6 2022

Bagong tropeo ng MMFF, ipinakita

IPINASILIP noong Sabado ng hapon ang bagong disenyo ng tropeo na gawa sa kahoy ang Metro Manila Film Festival para sa kanilang ika-43 edisyon ngayong taon.

Ang bagong disenyo ay ipinakita sa ginanap na MMFF Christmas Party  ni art designer Clifford Espinosa, chief designer ng Espinosa Arts and Design (EADE).

“Kung mapapansin niyo ang clapperboard tapos nagiging megaphone, ang media po kasi ng film is light and sound. So, nagiging waves po iyan as they travel in space. At the same time, gawa po ito sa lumang kahoy, wala pong bagong kahoy na ginamit dahil may advocacy kami ng manual demonstration,” paliwag ni Espinosa ukol sa bagong tropeo.

Ang patong-patong na kahoy naman ay simbolo ng betamax at tapes. ”Itong tatlong butas naman po, ito ‘yung three major components ng filmmaking—’yung story, ‘yung tao, at saka technology.

“Yun namang dalawang kulay ng kahoy, mayroong light brown at dark brown. Ito ‘yung saya at lungkot ng pelikulang Filipino,” giit pa ni Espinosa.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Harlene Budol Hipon Girl

Nicole Budol ginawang inspirasyon mga natatanggap na panglalait

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nicole Budol, na mas kilala bilang si Hipon, na isang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia kay Arjo — Iba ka manindigan

PUNUMPUNO ng emosyon at pagmamahal ang post sa kanyang Facebook ang super proud mom na si Sylvia Sanchez sa …

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Leave a Reply