Wednesday , December 7 2022

Sikat na actress, pinagmalditahan ang beteranang aktres

SINO itong sikat na atres na nuknukan ng maldita na sa isang taping ay umiral na naman ang pagiging Diva?

Habang nakaupo kasi ito at dumating ang isang veteran actress, binulungan kaagad ni road manager ang aktres at sinabing batiin iyon. Naloka ang road manager sa isinagot ni actress, ”Bakit ko siya babatiin eh, wala naman akong business sa kanya!”

Kaya umalis na lang si road manager. Hindi talaga binati ni actress ang veteran actress at dinedma-deadma na lang hanggang matapos ang kanilang taping. Maging ang ibang tao roon ay hindi binabati ni actress at pinangatawanan ang pagiging suplada.

(John Fontanilla)

AKTOR, GINAPANG
NI FEMALE STARLET
HABANG NATUTULOG

ANG haba ng holidays eh, wala kaming magawa.

Kakuwentuhan namin ang isang actor. May throwback story. Matagal na naging tsismis iyan eh, pero walang confirmation kasi wala namang nagtanong sa kanya.

Ang kuwento kasi, habang natutulog siya ay ginapang siya ng isang female starlet noon. Sa haba ng kuwentuhan namin, ngayon lang namin naitanong iyon sa kanya.

Napailing na lang ang actor na ang sagot sa amin ay, “huwag mo nang itanong iyan.”

Natawa kami kasi sa haba ng panahon na magkakilala kami ng actor, ngayon lang siya nagsabi sa amin ng “off the record.”

Usually lahat naman sinasagot niya nang diretso, maski nga iyong inaakala ng iba na maaaring makasira sa kanya.

Palagay namin masyado siyang disappointed nang gapangin siya ng female starlet. Hindi lang namin alam kung bakit.

(Ed de Leon)

About John Fontanilla

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply