Thursday , June 4 2026
Baldo Marro sunshine dizon

Sunshine, gabi-gabing nasa burol ng tatay-tatayang si Baldo

SIX years old pa lamang si Sunshine Dizon tatay-tatayan na niya ang yumaong actor fight instructor na si Baldo Marro. Noong araw na nominate si Sunshine bilang Best Child Star ay katakot-takot ang iyak nang hindi manalo. Panay lang ang pag-aliw sa kanya ng inang si Dorothy Lafortesa.

Nanalo noong gabing iyon si Baldo bilang Best Actor mula sa pelikulang Patrolman. Biglang kinarga ng actor si Sunshine at ipinanhik sa stage para tanggapin ang kanyang award.

Sabi ni Baldo, pareho silang nanalo. Kaya sa murang isipan ni Sunshine, nanalo rin siya ng gabing ‘yon.

Si Baldo ang nagwaging Best Actor at tinalo niya si Fernando Poe Jr..

Ngayong wala na si Baldo, (na pumanaw na noong Oktubre 22 sa edad 69) mami-miss ni Sunshine ang mga itinuro nito para huwag magkakasakitan kapag may fight scenes. Naia-aplay ito ni Sunshine sa eksena nila niRhyza Cenon.
Isa si Sunshine sa gabi-gabing dumalaw sa lamay ng kanyang itinuring na ring tatay habang nakaburol ang actor sa Bacoor, Cavite.

RHENE IMPERIAL,
BALIK-SHOWBIZ NA;
MOCHA USON, GAGAWING
LEADING LADY

SA wakas magsu-shooting na rin ng kanyang pelikula ang balik-showbiz na si Rhene Imperial sa pelikulang Jacob, Ang Drug Lord na ididirehe ni William Mayo.

Noong araw, kalimitang nagagampanan ng actor ay ang isang drug lord kaya naisipan ng producer ng movie na kunin si Rhene para sa pelikulang ito. Malaki ang maitutulong ni Rhene para makapagbigay-aral sa mga nangyayari ngayong talamak ang droga sa bansa.

Si Rhene ay isang malaking artista noon at maraming nagawang pelikula.

It’s about time na magbalik-pelikula ang mga dating artista dahil kakaunti na lamang ngayon ang masasabing tunay na artista.

Mga de baterya na kasi ngayon kung umarte ang karamihan sa mga artista.

Ang balita namin, si Mocha Uson ang target na maging leading lady ni Rhene sa kanyang pelikula.

PHILIPPINE SEAS,
BAGAY NA BAGAY
KAY ATOM

Atom Araullo Philippine Seas

BONGGA ang programang ibinigay ng Kapuso Network sa dating Kapamilya star na si Atom Araullo, ang Philippine Seas.

Nagulat at humanga si Atom sa kagandahan ng ilalim ng dagat dahil iba’t ibang uri ng isda ang ipakikita niya sa show.

Matagal na si Atom sa Kapamilya pero wala yatang project na matatandaang ginawa niya na ganito kaganda.

May karapatan naman si Atom sa ganitong klase ng show dahil napatunayan na rin naman niya kung gaano siya kagaling sa paghahatid ng balita.

Samantala, may pelikula rin siya, ang Citizen Jake na idinirehe ni Mike de Leon na ang shooting ay ginawa noon sa Baguio City.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Vir Gonzales

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …