Tuesday , December 6 2022

Isabel Granada, comatose, 6 na beses inatake (Nasa ICU pa rin)

DASAL. Ito ang kahilingan ng pamilya at mga kaibigan ng aktres na si Isabel Granada sa kanilang mga social media account.

Kahapon, nagulantang kami sa post ng isa rin sa malapit sa amin na si Bianca Lapus. Iyon ay ang ukol sa hindi magandang nangyari sa aming kumareng si Isabel.

Ani Bianca sa kanyang Instagram post, hindi siya makatulog dahil itinakbo si Isabel sa isang ospital sa Qatar dahil sa critical condition nito. Nagkaroon ng massive internal bleeding in the heart ang aktres. O ito ‘yung tinatawag na aneurysm. Kaya biglang nag-collapsed si Isabel.

Sinabi pa ni Bianca na nalaman din niya ang kalagayan ng kaibigang aktres sa pamamagitan ng post ni Robby Taroza.

Sa huling update, sinabi pa ni Bianca na comatose ngayon si Isa at isasailalim sa operasyon.

Narito ang kabuuan ng post ni Bianca. “Sad News. I can’t sleep. Fight Isa Fight Sis!  Lord please heal @isabelgranada21 she needs you right now. Let’s all pray for Isabel.  #prayersforisabelgranada  #prayforisa #isabelgranada

I would like to ask for healing prayers for my dear friend, sis Isabel Granada. She was rushed at the Heart Hospital Hamad Medical Corp in Qatar I have not communicated with her family yet im waiting for updates but the initial info I got is from our dear Robby Tarroza, according to his post Isa is in critical condition. Massive internatal bleeding in the hear. Aneurysm. She suddenly collapsed lang daw. So im doing my best to get updates from the people who are there now. Please please she needs prayer warriors now.

Thank you also to Michael Soliven a nurse who is there in Qatar now for updating me such a big help.

UPDATES: ISA is in a coma now. She was rushed at heart hospital and status was post cardiac arrest but according to the nurse I chatted with in qtar she was transferred to hamad hospital and its confirmed she has internal bleeding and aneurysm. She will undergo a major operation anytime now. But according to the respiratory therapist she has 6 times cardiac arrest. Please lets pray for Isa.

Lord, I lift up my sis isa to you…please touch hear with your healing hands. I am the Lord who heals you *Exodus 15:26 #payersfor isabelgranada #prayforisa”

Ganap na 1:00 a.m. kahapon, naman nang magkomento si Robby sa post ni Isabel ng, ”‘Oh no! I heard you are in the hospital. Lumaban ka! Kaya mo yan sis. We love you 😉 get well pls.”

Tiningnan naming ang Facebook account ni Isabel at nakita namin ang huli niyang post (5:10 p.m.) na ukol sa salita ng Diyos ”As you turn your attention to Christ Jesus, feel the Light of His Presence shining upon you. Open your mind and heart to receive His heavenly smile of approval.

Let His gold-tinged Love wash over you and soak into the depths of your being. As you are increasingly filled with His Being, you experience joyous union with Him.

He suffuses your soul with Joy in His Presence; at His right hand there are pleasures forevermore. (John 17:20-21; Psalm 16:11)

BLISSFUL TUESDAY!”

Habang sinusulat namin ito ay tinatawagan namin ang ina ni Isabel na si Mommy Guapa subalit hindi namin siya makontak. Tanging si Jericho Genaskey Aguas, dating asawa ni Isabel ang nakausap namin sa pamamagitan ng messenger at sinabing, nagkausap na sila ng ina ni Isabel at iyak iyon ng iyak.

Aniya pa, ”Ang hirap ng ganito ate, malayo siya sa amin.”

Hangad naming malampasan ni Isabel ang nangyaring ito sa kanya. Dasal pa rin ang hiling namin gayundin ng mga kaibigan niya.

NASA ICU PA RIN  

Sa pinakahuling post ni Bianca, ganap na 2:55 p.m., sinabi nitong, ”Bawal mag disclose ‘yung medical staff ng kahit anong info, ‘Yung kilala ko na nurse roon hindi siya nagwo-work doon. Naroon siya may patient siya dahil private nurse siya.

“There are some info that I can’t post kasi dapat hospital or doctor or mismong family ni Isabel ang magsabi. Can we please FOCUS ON PAYING FOR ISA?

“But just to clear the false news (na patay na). ‘Yun nga she is still in the ICU in a coma and still fighting pending for operation na siya inaantay lang maging stable so let us continue to pray for her po.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Maine Mendoza Arjo Atayde Lola Rose

Maine ipinakilala na ni Arjo kay Lola Rose

MA at PAni Rommel Placente LABIS ang saya at pasasalamat ni Sylvia Sanchez sa kanyang anak na …

Alice Dixson

Alice na-bash nang kinulayan ng honey blonde ang buhok  

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa pagpapakulay ni Alice Dixson ng honey blonde hair, bina-bash siya. …

Paolo Contis Yen Santos

Paolo happy at contented sa piling ni Yen

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram account ay ibinahagi ni Lolit  Solis ang larawan nila ng kanyang …

Leave a Reply