Wansapanataym nominado sa International Emmy Kids Awards

BINABATI namin ang Dreamscape Entertainment na siyang nasa likod ng Wansapanataym dahil nominado ito bilang Best TV movie/mini-series sa 2017 International Emmy Kids Awards. 

Ang Wansapanataym ang bukod-tanging Philippine TV show for kids na nominado para sa International Emmy Kids Awards ngayong taon. Makakalaban nito ang mga entry mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.

Ang Wansapanataym: Candy’s Crush na nagtatampok kina Loisa Andalio at Jerome Ponce at  idinirehe ni Andoy Ranay na napanood noong June 2016 ang entry na nominado.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio