Wednesday , December 7 2022

Empoy, ‘itinali’ na ng Star Cinema

SA mga nagdaang linggo ay wala pang pelikulang lokal ang nakatatalo sa kinita ng Kita Kita na pinagbidahan nina Empoy Marquez at Alessandra de Rosi kaya naman muling kinuha ang komedyante para sa pelikulang The Barker na produced ng Blank Pages­ Productions at distributed ng Viva Films.

Hindi nagdalawang isip si boss Vic del Rosario na tanggapin ang The Barker dahil naniniwala siya sa magic charm ni Empoy tulad sa pelikulang Kita Kita na sinong mag-aakalang kakabig ito ng P300-M  sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Going back to Empoy ay tinanong siya kung kanino siya mas kumportable, sa Kita Kita leading lady niya na si Alessandra o kay Shy Carlos sa The Barker.

“Kung sino po ‘yung unang magpapahiram sa akin ng ATM, ‘yun po,” birong sagot ng binata.

“Pareho naman po kasi, si Alex po nakasama ko rati sa MMFF movie, tapos si Shy naman nakasama ko rin sa TV5, naging leading lady ko po siya sa ‘Kapitan Osang’, hindi na po ako nahirapan sa kanila makisama,” pahayag ng komedyante.

Nabanggit din na baka huling pelikula na ni Empoy ang The Barker outside Star cinema dahil kamakailan ay pinapirma na siya ng exclusive contract na ibig sabihin ay hindi na siya puwedeng makagawa ng pelikula sa ibang movie outfit.

“Actually, exclusive nga po, after this po, parang ganoon nga po. Pero ‘pag collaboration po lahat ng movie makers, puwede naman po, magco-prod po puwede,” say ng komedyante.

Walang eksaktong bilang ng pelikula ang gagawin ni Empoy sa Starcinema, pero marami ang nakalinya, ”Two years po ang pinirmahan kong kontrata sa Starcinema. Actually, ‘yung manager ko po ang nakikipag-usap pagdating po sa mga ganyan. Thankful po ako kasi po, gusto po nila ko.”

Maraming humahanga kay Empoy dahil maski na siya ang may hawak ng record sa indie movies ay hindi pa rin nagbabago at mas lalo pang naging humble.

“Hindi po, kasi lagi pong nasa tabi ko si Lord,” aniya.

Totoo naman ang sinasabi ni Empoy na parating nasa tabi niya si Lord dahil hindi siya pinababayaan sa lahat ng oras at inilalayo siya sa anumang klase ng sakit tulad sa nakaraang check-up niya na negatibo  at pinayuhan siyang dumalaw sa dentista niya dahil may kinalaman ito kung bakit madalas sumakit ang ulo niya.

Mapapanood na ang The Barker sa Oktubre 25 mula sa direksiyon ni Dennis Padilla kasama rin sa pelikula sina Gary Lim at Shy.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



About Reggee Bonoan

Check Also

Vhong Navarro

P1-M piyansa ni Vhong pinayagan ng korte

PINAHINTULUTANG makapaglagak ng piyansa ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa …

Tuesday Vargas

Tuesday ‘nabastos’ ng dalawang baguhan

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST ang komedyanteng si Tuesday Vargas sa kanyang Instagram account tungkol sa naranasan niya …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Rey Paulo Ortiz Daniel Padilla in the making

MASAYANG-MASAYA si Rey Paolo Ortiz sa pagkakatanghal sa kanya bilang 2022 Prince Tourism Ambassador Universe kamakailan na isinagawa ang …

Carla Abellana Tom Rodriguez Rey PJ Abellana

PJ at Carla ‘di pa nagkaka-usap  simula nang magkaproblema

COOL JOE!ni Joe Barrameda NAPANOOD namin noong Miyerkoles ng gabi ang magkapatid na PJ Abellana at Jojo Abellana para …

Jane de Leon

Jane na-dengue at nagka-UTI

MA at PAni Rommel Placente HUMINGI ng paumanhin si Jane de Leon sa lahat ng kanyang mga …

Leave a Reply