Thursday , December 1 2022

Dennis, ibinase sa experience ang pagdidirehe

NAKATSIKAHAN namin ng nag-iisa si Dennis Padilla pagkatapos ng presscon ng The Barker at inalam namin kung bakit ngayon lang niya naisip magdirehe ng pelikula.

Aniya, ”actually matagal ko nang gustong magdirehe, kaso parang nahihiya akong i-offer ‘yung sarili ko na maging direktor tapos noong 2013 sabi sa akin ni Mayor Herbert (Bautista), ‘pare gusto mong gumawa ng project, magdirehe ka na kaya.’

“Sabi ko kay Mayor, ‘mayor, parang hindi pa ako handa, kinakabahan ako, next time na lang’ tapos hindi na natuloy.

“Tapos heto (The Barker) nitong 2017, sabi ni Arlyn (de la Cruz-producer), ‘Dennis ‘yung project mo gusto ko, idirehe mo?’ Kaya natuwa ako kay Arlyn, sabi ko, ‘talaga?’ tapos sabi nga niya kaya ko.

”Actually, sabi niya, ‘Dennis ano ka ba, kaya mo ‘yan, ang tagal-tagal mo na sa pelikula halos lahat ng direktor na magagaling nakasama mo na, sige na. Kaya sa kaka-push niya sa akin, heto natuloy na ako sa ‘The Barker’.”

At dahil first time magdirehe ni Dennis ay nakiusap siya sa producer niyang si Arlyn na samahan siya sa unang araw ng shooting para may support.

“Gusto ko nandoon si Arlyn kasi parang security blanket, unang araw kong nag-shoot, dumating siya gabi na, natapos ko na lahat ang mga eksena. Kaya sabi ko sa kanya, ‘walanghiya ka Arlyn, iniwanan mo ako.’

“Tapos sabi sa akin ni Arlyn, ‘ano ka ba, producer ako, hindi ako direktor, darating lang ako kapag may babayaran, pero ‘yung mga eksena, mga dialogue, bahala ka sa buhay mo,’” masayang sabi ng aktor/direktor.

Ayon sa komedyanteng aktor cum direktor ay hindi siya nag-aral ng filmmaking, ”wala, experience lahat. At pagdating sa mga shot, tinatanong ko ‘yung cameraman ko, sasabihin ko, ‘ano bang magandang shot dito?’ Kasi sila ‘yung magaling sa technical, basta idine-describe ko lang, sabi ko, gusto ko ang mukha ni Empoy mas malapit sa sine (screen) tapos ‘yung kausap medyo malayo. Tapos i-explain sa akin na, ‘ganito direk ang shot n’yan, dito natin ilalagay.’ 

“Tapos eventually, habang nagso-shooting kami, natutuhan ko na, na ganoon pala ‘yun na kapag naglagay ka ng camera 1 dito, ‘yung camera 2 doon.”

Hindi naman itinanggi na nahirapan siya sa dalawang unang araw niya sa set bilang direktor.

“Mahirap, lalo na kasi number 1, time limitation. ‘Pag binigyan ka ng mga sequence na kailangan mong tapusin ng day effect, may pressure ‘yun. Tapos may night effect ka pa.

“May mga time na ‘yung artista mo ay mali-late dahil may prior commitment, so ‘yun ang hirap. Tulad niyong isang beses naming mag-shoot, ang peg namin dapat 8:00 a.m.magro-roll na kami dahil day effect at action ang kukunan, biglang nagka-problema kami sa permit (location), ayaw kaming payagang mag-shoot at lumabas ang permit namin 1:00 p.m., so kailangan kong kunan ‘yung dapat kukunan ng umaga, kaya hinabol ko from 1:00 to 5:00 p.m. bago magdilim, ‘yun ang nakaka-pressure,” kuwento pa sa amin.

Hindi nagagalit si Dennis sa set.

“Tawanan lang kami ng tawanan at saka mabiro rin kasi ako sa mike (mikropono), hindi ako nagagalit. Kapag may mali (artista o crew), sasabihin ko lang, ‘ano ba, hello? Puwede ba, dapat lahat tayo magaling, tama?’ Ganoon lang ako sa lahat,” masayang kuwento pa sa amin.

‘Yun nga lang, magastos na direktor si Dennis, ”sobrang magastos, ‘yung first day ko umabot ng P650,000, 2nd day ko, P400,000 kaya total ko lahat, buong pelikula naka-P10-P11-M din kami pati promo.”

Bukod sa pagiging direktor ay si Dennis din ang sumulat ng istorya ng The Barker.

“Kami ni Arlyn (screenplay), itong ‘The Barker’, wala pang one-week kong isinulat noong 2013, wala naman akong inspirasyon that time. Nakita ko lang ‘yung mga barker sa Caloocan, ang dami-dami. Sabi ko nga, ang hirap pala ng buhay nila, gawan ko nga ng istorya ‘to.

“Nakaka-observe ako, kaya sabi ko, rito ko nga i-base ‘yung buhay ng bida. Rati naisip ko nga, Jeepney driver, eh, ang dami ng istoryang ganoon kaya barker naman para maiba,” kuwento nito sa amin.

Dalawang direktor ang peg ni Dennis, ”combination of Eddie Rodriguez and Ben Feleo. Si Eddie ang direktor ko sa ‘Mandurugas’ (1992), siya rin sa‘; Grease Gun Gang’ (1992), action-comedy at saka ma-drama ‘di ba?”

Mapapanood na ang The Barker sa Oktubre 25 produced ng Blank Pages Productions at distributed ng Viva Films.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



About Reggee Bonoan

Check Also

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Daniel Padilla Paolo Ortiz

Winner ng Prince Tourism Ambassador Universe 2022 na si Paolo gustong makatrabaho si Daniel

MA at PAni Rommel Placente GWAPO, mahusay rumampa, outstanding ang talent portion, at nasagot with …

Bianca Gonzalez

Bianca minsang naabuso sa isang relasyon 

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang social media post ay ibinahagi ni Bianca Gonzales na noong …

Rhian Ramos Sampaloc

Rhian namigay ng pangkabuhayan sa mga mami sa Sampaloc

I-FLEXni Jun Nardo PANGKABUHAYAN ang handog na training ni Rhian Ramos sa single mothers sa Sampaloc, Manilang …

Leave a Reply