Monday , April 22 2024

Sylvia, itinanghal na Teleserye Actress of the Year sa Pep List Year 4

Ang pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakakataba ng puso😀❤️😀 #kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat😀 to my #abscbn #gmounit #tglfamily para sa ating lahat to👏👏👏salamat sa inyong lahat💋❤️💋 Sayo art at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag iintindi pagmamahal at suporta😀 kayo ang inspirasyon ko💋❤️💋 love you my fambam😀 Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga surpresa mo😀 binabalik ko po sayo ang papuri🙏🙏🙏 maraming, maraming salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear #peplistyear4 #family #happiness #blessed #treasures #priceless #beautedermskinhauz #beautedermphilippines #beautedermambassadress #thankuLORD Have a blessed day!! @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels Yahoooooo🙏❤️🙏

A post shared by Jojo Atayde (@sylviasanchez_a) on



“ANG pagkatiwalaan ako sa role na Gloria ay malaking karangalan na at ang mapansin ninyong lahat ang pinagpaguran ko ay sobra pong nakatataba ng puso.#kapamilya maraming, maraming salamat po sa inyong lahat to my #abscbn #gmounit #tglfamily para sa ating lahat to salamat sa inyong lahat.

“Sa’yo Art(Atayde) at sa mga anak ko, salamat sa walang sawang pag-iintindi, pagmamahal, at suporta kayo ang inspirasyon ko love you my fambam. Panginoong JESUS wala kang sawa sa pagbibigay sa akin ng mga sorpresa mo binabalik ko po sa’yo ang papuri maraming, maraming salamat po!! #teleseryeActressOfTheYear( #peplistyear4 (#family #happiness  #blessed # treasures #priceless#beautedermskin hauz #beautedermphilippines  #beautedermambassadress  (#thankuLORD Have a dblessed day!!( @sylvianiansglobal @sylvianians_memes @ataydefamily @sylvianiansangels( Yahoooooo,” ang post ni Sylvia Sanchez sa kanyang social media account sa award na tinanggap bilang Teleserye Actress of the Year para sa programang The Greatest Love mula sa Pep List Year 4.

Base sa report ng PEP, itinanghal si Ibyang sa The PEP LIST Year 4 Editors’ Choice for Teleserye Actress of the Year.

Nakatunggali ng aktres sa parehong kategorya sina Glaiza de Castro (Encantadia), Julia Montes (Doble Kara), Lovi Poe (Someone To Watch Over Me), at Regine Velasquez (Poor Señorita).

Personal na iniabot ng PEP Editorial team kay Ibyang ang plaque nito sa set ng bago nitong teleserye sa ABS-CBN sa location nito sa Bacoor, Cavite na ikinagulat ng aktres.

Pahayag ng aktres sa mga taga-PEP, ”alam ninyo po, masarap ‘yung pakiramdam na mapansin kami, ‘yung hirap namin, ‘yung hirap ko bilang si Gloria, masarap sa pakiramdam.” At sabay taas ng plaque. ”Pero ito, mas masarap po ito, bonus din po ito! Kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa pag-portray ko bilang Gloria.”

Sabi pa, ”ito po ngayong bago kong gagawin, I’ll make sure na talagang kung nagampanan kong mabuti si Gloria, rito, sisiguraduhin kong magagampanan ko rin ito uli. Congratulations sa lahat ng staff, director, sa lahat ng GMO unit, ABS-CBN, atin ito. Thank you po.”

Bukod sa best actress ay nakamit din ng The Greatest Love ang Editors’ Choice for Daytime Series of the Year award.

Tinalo ng TGL ang mga programang Doble Kara (ABS-CBN), Sinungaling Mong Puso (GMA-7), The Millionaire’s Wife (GMA-7), at Tubig at Langis (ABS-CBN).

Ang executive producer ng TGL na si Ms. Marielle de Guzman-Navarro ang tumanggap ng award.

Aniya, ”after siguro ng five months na nakalipas, hanggang ngayon, nakakatanggap pa rin kami ng awards. Sobra siyang overwhelming, so thank you to everyone, ‘yun lang po.”

Dagdag naman ni Sylvia, ”basta ako, isa lang masasabi ko, ibang klase ka, Gloria.

“Malaki ang binago mo sa buhay ko, and salamat, Gloria Alcantara.”

Nanalo rin si Dimples Romana bilang Teleserye Supporting Actress of the Yearsa napakahusay nitong pagganap bilang anak na pasaway na si Amanda sa The Greatest Love.

Ang ganda ng taong 2017 kay Ibyang dahil sunod-sunod ang blessings, awards, at projects na dumating sa kanya kaya naman abot-abot ang pasalamat niya sa Panginoong Diyos.

Oo nga, sa tanda namin ay napasama si Ibyang sa Kapamilya: Deal or No Dealnitong early part ng 2017 at umere ang The Greatest Love, nag-guest sa La Luna Sangre, katatapos lang i-shoot ang indie film na ‘Nay mula sa Cinema One Originals na nakatakdang ipalabas ngayong Nobyembre, Mama’s Girl mula saRegal Entertainment, at heto nagte-taping para sa seryeng kasama ang anak na si Arjo Atayde.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan



About Reggee Bonoan

Check Also

Darren Espanto Kyline Alcantara

Darren at Kyline isang taong naging mag-GF-BF

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Darren Espanto na naging girlfriend niya ang si Kyline …

Bong Revilla, Jr

Sen. Bong naospital nagkaproblema sa sakong

REALITY BITESni Dominic Rea KASALUKUYANG nasa isang ospital si Sen Bong Revilla Jr.. Iyon ang nakita …

Andres Muhlach

Andres Muhlach hindi pa nagkaka-GF since birth (Choosy kaya?)

HATAWANni Ed de Leon NO girlfriend since birth. Iyan ang deklarasyon ni Andres Muhlach tungkol sa kanyang …

Richard Gomez Stella Suarez Jr

Richard at Stella Suarez Jr magpinsan, hindi kambal o magkapatid

HATAWANni Ed de Leon MAY nabasa kaming isang kuwento tungkol naman sa dating sexy star …

Donny Pangilinan Kathryn Bernardo

Donny gusto rin daw manligaw kay Kathryn

HATAWANni Ed de Leon ANO na namang tsismis iyan? Noong una raw ay nagbalak din …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *