Patrick Garcia, may pagpapahalaga na sa trabaho

 

NGAYONG namaalam na sa ere ang Langit..Lupa na naging bahagi si Patrick Garcia, sana ay mabigyan siya ulit ng teleserye ng ABS-CBN 2.

Ang magagaling na aktor na tulad ni Patrick ay dapat laging nabibigyan ng serye. Besides, hindi na siya tulad noong kabataan niya na minsan ay tinatamad mag-report sa taping.

Matured na siya ngayon, mahal at may pagpapahalaga na siya sa kanyang trabaho. Wala na nga kaming naririnig na may attitude o pasaway siya unlike before.

MA at PA – Rommel Placente