Thursday , June 4 2026

UCAP prexy pumanaw na

PUMANAW na kahapon ang pangulo ng United Cycling Association of the Philippines (UCAP) na si Ricky dela Cruz, isa sa may-ari  ng WESCOR Transformer Corporation.

Matapos ang dalawang linggo sa ICU ng Medical City sa Lungsod Pasig gawa ng atake sa puso, bumigay na ang punong haligi ng pinakamalaking tropa ng siklista sa bansa kamakalawa ng hapon.

Sinundan ni Ricky ang nakahiligan ng naunang yumaong nakatatandang kapatid na si Antonio “Loy” dela  Cruz na pagbibisikleta, naging pangulo ng Philippine Amateur Cycling Association at chairman ng PhilCycling  ang huli.

Naabutan ni Loy ang pagsikat sa UCAP ng kapatid niyang si Ricky, na pinakamalaking cycling group sa bansa, na nagpatuloy sa pagsikat ng padyakan sa Filipinas.

Naulila ni Ricky ang asawang si Luisa, mga anak na sina  Patrick, Luigi at Yuri, kasama ang mga kapatid na sina  Ditse, Imelda, Nery, Totoy, Boy, Philip, Jun at Lando, na nakaburol ngayon sa kanilang tahanan sa Tikling St. ng Vilillia Village, Caloocan City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …