Saturday , July 27 2024

Cavs, Warriors magbabakbakan sa game 5

PAMILYAR sa defending champion Cleveland Cavaliers ang kanilang sitwasyon, inilista nila ang unang panalo sa Game 4 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) matapos ilubog ng Golden State Warriors sa kanilang best-of-seven finals.

Naging kauna-una-hang team sa kasaysayan ng NBA ang Cavaliers matapos umahon sa 1-3 pagkakabaon noong nakaraang season.

Ayon kay basketball superstar LeBron James sanay na sila sa ganitong senaryo kailangan lang maging matatag siya at ang kanyang tropa sa Cleveland upang masungkit ang back-to-back titles.

“They’ve got us where they want us,” saad ni four-time NBA MVP James na inamin na pagod na sa mga  must-win games laban sa Golden State.

“Listen, at the end of the day, we just want to put ourselves in position to play another game. Getting swept is something that you never want to happen. So I think a lot of guys had it in their mind and came out and played like it.”

Nagtala si Kyrie Irving ng 40 points sa panalo ng Cavs sa Game 4 habang umukit muli ng historya si James matapos itarak ang record ninth Finals triple-double sa itinalang 31 puntos, 11 assists at 10 rebounds.

Sa Martes  ang Game 5, walang nakasisiguro kung sino ang mananalo, ang tiyak lang ay parehong ibubuhos ng dalawang teams ang kanilang lakas upang makamit ang kanilang asam na titulo.                    (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Jean Richeane Dela Cruz Rhiana Kaydee Nialla

Dela Cruz, Nialla ratsada sa Speedo Novice and Sprint tourney

NASUNGKIT ng baguhang manlalangoy na sina Jean Richeane Dela Cruz at Rhiana Kaydee Nialla ang …

2024 V-League Collegiate Challenge

Elite collegiate team sa V-League Collegiate Challenge magsasagupaan

AAKITIN ng 2024 V-League Collegiate Challenge ang mahihilig sa volleyball sa isang linggong pagpapakita ng …

Daniel Maravilla Quizon PCAP Chess

Quizon naghari sa PCAP chess tournament

PINATIBAY ni Grandmaster elect at International Master Daniel Maravilla Quizon ang kanyang posisyon bilang isa …

Eric Buhain Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

Speedo tilt sa RMSC, PH sasabak sa AOSI tourney

INIHAYAG ng Philippine Aquatics Inc. (PAI) sa pakikipagtulungan ng Speedo Philippines ang pagdaraos ng 2024 …

National University NU Lady Bulldogs SSL National Invitationals

NU Kampeon sa SSL National Invitationals

IGINAWAD nina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Fritz Gaston at Vicente Gregorio President/CEO ng Shakey’s …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *