Tuesday , May 28 2024

Ogie Diaz, itinangging ginapang niya si Liza Soberano para maging Darna

TAPOS na ang espekulasyon kung sino ang bagong Darna. Si Liza Soberano na ang bagong Darna at lulunok ng mahiwagang bato! Pero ang kabuntot naman ng balitang ito ay ang pang-iintriga sa manager ng magandang aktres na si katotong Ogie Diaz.

Magkahalong biro at sarcasm naman ang naging tugon ni Ogie sa mga nang-iintriga sa kanya via his Facebook account.

“Ginapang ko daw yung Darna para mapunta kay Liza Soberano.

“Sorry po, hindi naman ako ganun ka-powerful para manggapang ng project para sa alaga ko.

“Eh, kung nakuha lang pala sa gapangan yang Darna eh di sana, nabalitaan nyo na rin na ako ang gaganap na Ding.”

Bago ang intrigang ito, sa aming pakikipag-chat kay Ogie ay ipinahayag niya ang sobrang kagalakan sa pagkakapili kay Liza bilang Darna.

Wika ni Ogie, “I’m so happy na finally, in-announce na ang gaganap na Darna. At isang challenge ito kay Liza Soberano.”

Dagdag pa ng komedyanteng napapanood sa Home Sweetie Home tuwing Sabado ng gabi, “Sobrang happy ang bagets dahil alam niyang gustong-gusto rin siya ng dating gumanap na Darna na si Angel Locsin. Sa katunayan, binigyan siya ng Darna komiks ni Angel para magkaroon siya ng idea.”

Kung may mga mangilan-ngilan mang bitter sa pagkakapili kay Liza bilang Darna, mas marami naman ang natutuwa at naniniwalang bagay na bagay maging Darna si Liza!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Diwata

Diwata ayaw magseryoso sa lalaki — baka mawalan ako ng puhunan, maubos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ni Diwata mula sa pagiging walang-wala ngayo’y …

Carlo J Caparas

Direk Carlo pumanaw sa edad 80

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang batikang Comics King, novelist, writer, at director na si Carlo …

tiktok

Mga artista naisasantabi dahil sa mga Tiktokerist 

I-FLEXni Jun Nardo PISTA ng Holy Trinity kahapon sa lugar namin sa Balic-Balic, Sampaloc. Kaya …

blind item woman man

Television/event host gigil sa baho ng male starlet

HATAWANni Ed de Leon MAY isang television at event host na pilit kaming pinaaamin kung …

Leo Dominguez Ogie Alcasid

Manager ni Ogie na si Leo Dominguez namaalam na rin

NAUNA lang ng isang araw kay direk Carlo Caparas, namatay naman ang talent manager na si Leo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *