Wednesday , January 26 2022

DoJ kumasa na; Fact finding vs P25-B Banana scam inilarga

040417_FRONT
HAWAK na ng Department of Justice (DOJ) ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng  banana exporter na Tagum Agricultural Development Co. Inc. (Tadeco) at Bureau of Corrections (Bucor) sa  long-term lease sa 5,308- ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony.

Ito ay kasunod ng paghingi ni House Speaker Pantaleon Alvarez ng legal opinyon sa DOJ sa nasabing usapin.

“Natanggap lang namin kanina ‘yung sulat ni Speaker Alvarez na humihingi  ng opinyon tungkol sa tunay na legal status sa more than 5,300 hectares ng Davao Penal Colony (DaPeCol),” pahayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa isyu sa Tadeco na pagmamay-ari ni Davao del Norte Rep. Tony Floirendo sa panayam kahapon.

Sinabi ni Aguirre na bubuo ito ng panel o fact-finding team para bumusisi sa legalidad ng pinasok na kontrata ng BuCor sa Tadeco.

“Sabi namin kay Speaker (Alvarez) magko-constitute ako ng parang panel rito composed of the technical as well as the legal status,” giit ng DOJ Secretary.

Nauna nang hinikayat ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang administrasyong Duterte na rebisahin at pag-aralan ang nilalaman ng joint venture agreement sa pagitan ng  banana exporter na Tadeco at Bucor sa  long-term lease sa 5,308-ektaryang ari-arian sa Davao Penal Colony.

Sinabi ni VACC founding chair Dante Jimenez na luging-lugi ang gobyerno sa kasunduan sa pagpapaupa ng lupain at  sa hatian ng tubo na nilagdaan noong May 2003.

Sa ilalim ng  25-year joint venture agreement na magtatapos sa 2028, nangako lamang ang Tadeco na magbabayad sa BuCor ng P26.541 milyon bawat taon o upa na umaabot lamang sa P5,000 bawat ektarya.

Itinakda rin ng Tadeco ang parte ng gobyerno mula sa kanilang banana export sa presyong P1.3258 bawat kahon o  0.22 percent sa bawat kahon ng saging na may a-verage price na P600 per box. Sa tinatayang taunang benta na 30 million boxes per year, makakakuha lamang ang gobyerno ng P40.584 mil-yon sa bawat taon kompara sa taunang kita ng  Tadeco na P18 bilyon.

Dapat ay nasa P1 bilyon ang nakukuhang renta ng gobyerno at P900 milyon ang kabahagi nito sa tubo kada taon mula sa Tadeco.

Suportado ng VACC ang isinulong ni Speaker Alvarez na reklamo kahit kaalyado pa sa politika o personal na kaibigan ang nakabangga.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …

Leave a Reply