Monday , January 24 2022

Angel, nakikipag-date na; anak ni Barbers, iniuugnay

MUKHANG naka-move on na talaga si Angel Locsin sa nangyaring hiwalayan nila ni Luis Manzano. Sa interview kasi sa kanya ni Gretchen Fullido sa TV Patrol, inamin niya na nakikipag-date na siya ngayon.

“Lumalabas ako ngayon, yes. Lumalabas ako ngayon,” sabi ni Angel.

“Kaka-start din naman. Huwag na nating pangunahan. But happy heart naman,”aniya pa.

Isa lang ang sinasamahan ni Angel sa  mga manliligaw niya ngayon.

“’Pag nag-date naman ako, exclusive naman. Never naman akong nag-date ng sabay-sabay. Wala namang ganoon. Ano, date, sabay-sabay? ‘Di naman ganoon siyempre. ‘Pag nag-focus ako sa isang tao, ‘yun muna and ‘pag ‘di naging okay, ‘di move on.”

Noong nakipaghiwalay si Angel kay Luis, na-link siya kay Niño Barbers, anak ni former Senator Robert Barbers. Pero ayon sa dalaga, never pa naman silang nag-date ni Nino.”Nahiya nga ako sa kanya kasi bigla siyang naisyu sa mga tao, pero wala talaga,” paglilinaw niya.

MA at PA – Rommel Placente

About Rommel Placente

Check Also

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Heart Evangelista Nadine Lustre

Heart at Nadine kakampinks

I-FLEXni Jun Nardo INILABAS na nina Heart Evangelista at Nadine Lustre ang totoong kulay nila sa darating na eleksiyon …

Leave a Reply