Friday , January 28 2022

Mon Confiado, bilib kina Paulo Avelino at Christian Bables

KALIWA’t kanan pa rin ang mga project ng versatile actor na si Mon Confiado. Kabilang sa ginagawa niya ang Bagtik na pinagbibidahan ni Christian Bables. Nakatakda rin niyang gawin ang The Ghost Bride at Goyo: Ang Batang Heneral na sequel ng matagumpay na Heneral Luna ni John Arcilla.

Si Mon si Heneral Emilio Aguinaldo sa Heneral Luna at sa bagong pelikula ni Direk Jerrold Tarog, si Paulo Avelino ang gaganap bilang Heneral Gregorio del Pilar.

Mapapanood din si Mon sa pelikulang Stateside na kinunan sa Amerika at partly sa Filipinas. Ang pinagbibidahan niyang movie ay mula sa direksiyon ng Fil-Am na si Marcial Chavez at produced ng Fil-Am na si Francis Fabiculanan. Kasama rito ang mga Hollywood actors na sina Olivia Hultgren, Ryan Walker, Craig Cooper, Jose Rosete, Shaw Jones, Scott Engrotti, Marcus Natividad, Abe Pagtama, at iba pa.

Ano ang obserbasyon mo kay Christian?

Sagot ni Mon, “Hanga ako kay Christian Bables. Grabe ang dedikasyon nya sa kanyang larangan. Doon ako bilib na bilib sa mga kapwa ko aktor. Pagdating sa dedikasyon at passion. Idagdag mo pa ang talento. ‘Yan si Christian Bables. Sa loob ng mahigit dalawang linggo namin sa isla na halos dalawang oras lang araw-araw ang tulog niya, sunog sa araw at babad sa dagat, wala kang maririnig ni isang reklamo o angal na siya ay pagod na. Kahanga-hanga para sa isang baguhan. Malayo ang mararating ng batang ito.”

Kay Paulo naman, masasabi mo bang bagay sa kanya ang role na Heneral del Pilar? “Bagay na bagay talaga kay Paulo Avelino si Heneral Gregorio del Pilar. Kasi talagang pareho silang guwapo ni Goyo at may tindig si Paulo ng isang Heneral. Wala akong ibang maisip na puwedeng gumanap ng Goyo kundi si Paulo Avelino.

“Kaya naman sa Heneral Luna pa lang, siya na rin ang nasa-isip ng aming director na si Direk Jerrold Tarog. Napakamapanghamon ng karakter ni Heneral Goyo. Kasi bukod sa kanang kamay siya ni Presidente Aguinaldo na matapat na tagasunod at matapang, marami rin nagkakagustong babae sa kanya. Halos bawat bayan ay mayroon siyang nobya. Kaya abangan nila si Paulo Avelino rito.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Gladys Reyes Christopher Rojas

Gladys at Christopher dapat tularan (30 taon ng kasal)

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN mo 30 years na palang kasal sina Gladys Reyes at Christopher Rojas. Teenager …

NTC ‘di dapat i-bash, pagkuha ng franchise asikasuhin

HATAWANni Ed de Leon ANG ginawang pamimigay ng NTC sa mga dating frequencies ng ABS-CBN sa ahensiya ng Advance Media …

Leni Robredo Boy Abunda

Sa interbyu kay Boy Abunda
VP Leni pinuri sa malinaw at matibay niyang plano para sa bansa

UMANI ng papuri si presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa iba’t ibang artista sa pagprisinta …

Mike Defensor

City of Stars itutuloy ni Defensor (‘pag nahalalna mayor ng QC)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ITUTULOY ni Cong. Mike Defensor ang matagal ng plano ng namayapang Master …

Gerald Anderson Bea Alonzo

Bea at Gerald pwedeng magsama dahil sa kape

I-FLEXni Jun Nardo ABA, pareho palang endorser ng isang brand ng kape ang ex-lovers na …

Leave a Reply