Thursday , June 4 2026

Magkapatid na Toni at Alex, tinuhog ni Luis

OKRAYAN ang naging eksena nina Luis Manzano at Alex Gonzaga dahil nagkabukingan ang dalawa nang nag-guest ang aktres sa Minute To Win It.

Kasama ang aktres bilang ka-team ng kanyang non-showbiz boyfriend. As always, masaya ang takbo ng show dahil kulitan hanggang sa  ibinuking ni Alex na nanligaw sa kanya ang TV host pero binasted niya ito dahil hindi pa siya handang makipagrelasyon.

Rumesbak naman ang anak ni Ate Vi at umaming nanligaw nga siya pero yun ‘yung panahong siya ay kapit sa patalim.

Teka, may kasabihan tayo na kalahati sa biro ay may katotohanan at kung totoo ang tsika puwedeng tipo ng aktor ang magkapatid na Alex at Toni Gonzaga na happily married na kay Direk Paul Soriano.

Matatandaang maraming nanligaw noon kay Toni at isa na nga si Sam Milby na hanggang sa panliligaw lang napunta.

STARNEWS UPLOAD – Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …