Thursday , June 4 2026

Dare to be Funtastyk promo ni Maine, hanggang Feb. 20 pa

GUSTO nýo bang maka-date o maka-dinner si Maine Mendoza?

Well, ito na ang inyong pakakataon, ito’y sa pamamagitan ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino, ang Dare to be Funtastyk promo.

Sa pamamagitan nga ng dare challenge ng country’s top-selling tocino at ng isa sa most popular and effective endorser, may pagkakataon na kayong makilala ang nag-iisang Yaya Dub in person.

“Excited ako kasi I will get to meet CDO Funtastyk Young Pork Tocino lovers. It’s also my chance to spend time with them!” ani Maine. Kaya sa mga sasali, magkakaroon ng pagkakataon na makasama at mai-celebrate ito kasama si Maine sa Funtastyk Feast sa February 28, 2017.

Inilunsad noong Enero 16 ang Dare to be Funtastyk promo na nag-e-encourage sa fans na i-capture ang sarili habang ginagawa ang photo o video dare at isumite via Facebook chat. Isang dare ang ire-release kada araw sa loob ng 20 araw.

Nang itanong kay Maine kung ano ang gusto niyang i-dare sa fans, sinabi ni Maine na, “’Yung gaano karaming tocino ang makakain nila in a minute,” natatawang sabi nito, “Masaya ‘yun!”

Naghayag na si Maine ng pitong dare sa CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page. At ngayong linggong ito, more exciting dares pa ang ihahayag niya kaya tiyaking laging nagtse-check ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page. Puwedeng makapag-submit ang fans ng kanilang dare hangang February 20, 2017.

“Thankful ako na nagtiwala ang mga tao sa akin as much as CDO,” ani Maine sa mga nagnanais maging parte ng CDO Funtastyk Young Pork Family. “Happy ako na naging part ako ng success ng brand,” dagdag pa niya. “Fan talaga ako ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino eversince kaya happy ako na number 1 na siya. It’s delicious, tender kasi hindi ito gawa sa inahing baboy and hindi ito malitid. It doesn’t shrink easily when cooked unlike other brands kaya young talaga ang love ko!”

Ang Dare to be Funtastyk promo ay paraan ng pagtanaw ng utang na loob ng CDO sa kanilang loyal consumers.

Kaya, ano pa ang hinihintay ninyo? Join the #Funtastyk Dares contest now! Visit www.daretobefuntastyk.com and CDO Funtastyk Young Pork Tocino Facebook page para sa kompletong detalye at mechanics.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …