Saturday , July 27 2024

Regine Tolentino, dinadagsa ng blessings (Puwedeng bansagang JLo ng Pilipinas!)

PATULOY na dinadagsa ng blessings ang talented at masipag na Zumba Queen na si Ms. Regine Tolentino. Bukod sa abala as segment host ng Unang Hirit at pagpapatakbo ng kanyang Regine’s Boutique na mga sikat na artista at celebrity ang lists ng clientele, magiging super-busy ang Hot Momma na ito sa taong 2017.

 
Inusisa namin kung ano ang latest news kay Ms. Regine. “Katatapos lang ng US tour ng Organique Acai Berry. So we’re gonna do part-2 this April-May sa California pa rin ‘tsaka Las Vegas. Tapos, mayroon din po tayong tour for Flanax. I’m the new endorser of Flanax. We’ll do the commercial and the shoot this year.
 
“Tapos this year na rin yung launching ng album ko. Dance album ito, finally! Kumbaga, nagko-compose kami ngayon ng mga songs na may arranger na ako. Yes, nagsusulat ako ng mga songs. Dream come true na magkaroon ako ng album this year and concert-fashion and dance concert.
 
“So, very exciting itong year na ito and yon, tuloy-tuloy lang yung mga activities ko with Zumba. We have a tour all over, actually, US, Singapore, Japan, Dubai. All around Asia po for the Zumba fitness. Tuloy-tuloy lang yung pagsasayaw ko, more active lang po talaga ako sa dance fitness especially this year,” masayang saad pa ng super-seksing fitness guru.
 
Pahabol pa niya, “Sa 2017, more acting jobs and I have a movie later on in the year with Direk David Fabros. Indie film siya, pero it’s a very big production.”
 
So, sing and dance ka na sa latest album mo? “Yes, sing and dance,” aniya.
 
Okay lang ba kung bansagan kang JLo ng Pilipinas? “Bakit hindi? Idol ko ‘yon!” Nakatawang saad pa ni Regine.
 
Dagdag pa niya, “Excited ako, this year din magfo-focus ako sa fashion. If you’re not familiar, di ba sa Facebook ko yung mala-Victoria’s Secret na fashion show? Itu-tour po namin yung show na yun, fashion and dance concert. So may modelling, fashion show, tapos may sayaw.”
 
Ipinagmalaki rin ni Ms. Regine ang kanyang mga talented at magagandang anak. “Si Reigne nasa Ateneo na, scholar siya sa Ateneo. Si Reigen second year high school naman. Yes, sumasayaw sila, nagzu-Zumba but they’re very focus with their studies. They’re both scholar sa school, very good student, active sila roon.”
Paolo Ballesteros, inuulan ng papuri
dahil sa galing sa Die Beautiful
PULOS papuri ang naririnig namin para kay Paolo Ballesteros sa husay ng performance na ipinamalas niya sa MMFF 2016 entry na Die Beautiful. Humahataw ngayon ang bagong obrang ito ni Direk Jun Robles Lana hindi lang sa takilya, kundi maging sa mga papuri lalo na para kay Paolo.
 
Sa naturang pelikula ng October Train Films at TheIdeaFirst Company, gumaganap si Paolo bilang isang transgender na kontesera. Aminado si Pao na naghintay siya ng sixteen years bago dumating ang biggest break sa pelikula. “Parang ito na yung culmination ng lahat ng hirap at pagod ko. Overwhelming talaga, kasi ang tagal kong hinintay ito at finally, eto na. Matagal na akong nag-aartista, pero kumbaga ay ngayon lang talaga ako nagkaroon ng pagkakataon,” aniya.
 
Sinabi rin ni Paolo na nakaka-inspire gumawa ng pelikulang tulad nito. “It was very inspiring talaga. I think siguro, kahit isang movie a year (gagawa ako), kasi ay Eat Bulaga pa rin talaga ang priority ko, e. Always EB ang priority ko, pero nakaka-inspire talagang gumawa ng mga ganoong klase ng pelikula.”
 
Nang naka-chat namin si Pao bago ang awards night sa MMFF, binati namin ang versatile na Dabarkads na amoy Best Actor na siya. Na ang naging reaction niya ay maigsing, “Awwww, ‘pag-pray natin!”
 
Pero, ano ang reaction mo na favorite kang manalong Best Actor sa MMFF?
 
Sagot ni Pao, “Hindi naman ako nag-e-expect, pero siyempre laging hopeful, ganyan, sana. Kung manalo sana, eh ‘di mas maganda,” nakangiting saad niya.
 
Binigyan din ni Paolo ng credit ang mga kasama sa pelikula at ang kanilang director. “Nakaka-proud ang reaction ng mga tao sa movie namin, pero hindi lang ako ang gumalaw sa pelikula, e. It’s a group effort, nandiyan yung director namin, yung iba pang casts at mga crew. Kumbaga, hindi naman magiging ganoon ang impression ng mga tao kung hindi kami nagtulungan lahat.
 
“Kaya nakaka-proud lang talaga, kasi talagang labor of love ito, eh. Nakaka-proud na iyong pinaghirapan mo, nakikita mong maganda ang kinalabasan.”
 
Ano yung relasyon mo kay Luis Alandy sa movie?  “Iyong sa amin ni Luis, magandang part ng istorya iyon, e. Wagas akong mapagmahal dito, e, I mean, gusto niya talagang magkaroon ng asawa, kasi may anak siya. So, ibinigay niya iyon kay Luis and ganoon din naman ang naramdaman ni Luis.”
 
Kay Albie, ano ba ang relasyon nyo? “Masarap!” Pabirong saad ni Paolo. “Hindi, iyon ang motivation, siyempre yung sa character iyon. Kasi noong college, siya naman yung aking super crush,” nakangiting paglilinaw pa ni Pao.
 
Ang Die Beautiful ay tinatampukan din nina Joel Torre, Gladys Reyes, Albie Casiño, Inah de Belen, Christian Bables, IC Mendoza, Cedrick Juan, at iba pa.
ALAM MO NA!Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Nadine Samonte

Nadine Samonte ‘nabastos’ sa GMA Gala; invited pero wala sa listahan

HATAWANni Ed de Leon PARANG hinataw si Herlene Budol nang mahulog sa stage habang rumarampa sa GMA Gala. …

Emil Sandoval Armani Hector Apple Dy

Emil Sandoval bantay sarado sa GF na si Salome 

HARD TALKni Pilar Mateo NOONG kasagsagan ng mga pagpapa-sexy sa pelikula, isa si Emil Sandoval sa talaga …

Kim Domingo Coco Martin Ivana Alawi Batang Quiapo

Kim bongga ang pag-welcome ng Batang Quiapo; Ivana ‘di totoong sakit ng ulo

I-FLEXni Jun Nardo BONGGA raw ang pag-welcome kay Kim Domingo sa Batang Quiapo ayon sa aming source. Si Kim …

bakla tinawag na sir ng waiter

Beking nagalit sa waiter nag-sorry

ni Ed de Leon NABALITAAN ba ninyo iyong isang bading na nagalit sa isang waiter nang tawagin siyang “sir?” …

Blind Item gay sex

Male starlet ‘di kering makipagrelasyon kay prominent person

ni Ed de Leon “PUWEDE na akong magladlad maski na patulayin pa nila ako sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *