Sunday , April 28 2024

Seklusyon, kapana-panabik at nakakikilabot

SINASABING sa huling pitong araw bago maging ganap na pari ang isang dyakono ay gagawin ng demonyo ang lahat para mailigaw ang mga ito at huwag matuloy ang pagpapari. Taong 1947 nang ipinadadala ng simbahan ang mga dyakono sa isang bahay seklusyon kung saan sila ay ligtas at malayo sa tukso.

Sa pelikulang Seklusyon ni Erik Matti, tatalakayin kung hanggang saan nga ba ang pananampalataya ng mga taong piniling paglingkuran ang Diyos.

Sabi sa Biblia, ang Diyos daw ay nagpaparamdam sa iba’t ibang anyo na katulad din ng demonyo. Ang inyong nakikita ay hindi laging ang iyong inaakala.

Gagampanan ng apat na very promising young actors na sina Dominic Roque, John Vic de Guzman, J.R. Versales, at Ronnie Alonte ang papel ng apat na dyakono na haharap sa pinakamahirap na pagsubok sa loob ng bahay seklusyon.

Ang multi-awarded director na si Matti ng mga pelikulang On The Job at Honor Thy Father ang director ng Seklusyon. Hindi na bago si Direk Erik sa mga pelikulang horror. Nagsimula sa pagdidirehe ng seryeng pantelebisyon na Kagat ng Dilim, si Matti na  siya ring direktor ng Pa-Siyam na hanggang ngayon ay kinikilalang isa sa kanyang pinakamahusay na obra.

Si Matti rin ang nagdirehe ng horror-fantasy box-office films na Tiktik: The Aswang Chronicles at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Ang Seklusyon ay isinulat ni Anton Santamaria. Kasama rin sa cast ng Seklusyon sina Lou Veloso, Neil Ryan Sese, Elora Españo, Jerry O’ Hara, Teroy Guzman, at ang napakahusay na batang aktres na si Rhed Bustamante na rebelasyon sa pelikula.

Introducing sa movie si Phoebe Walker na siyang gumanap bilang Madre Cecilia.

Ang Seklusyon ang nag-iisang horror film sa 2016 MMFF. Ayon sa ilang nakapanood na nito, tunay na kapana-panabik at nakakikilabot ang pelikula na official entry ng tambalang  Matti at Dondon Monteverde at Reality Entertainment na showing simula Dec. 25.

Kamakailan, nagkaroon din ng world premiere ang Seklusyon sa International Film Festival & Awards Macau (IFFAM).

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *