Thursday , October 6 2022

Puerto Rican Stephanie del Valle, kinoronahang Miss World 2016, Miss Philippines, nakasama sa Top 5

HINDI man nakuha ni Miss Philippines Catriona Gray ang korona bilang Miss World 2016, marami naman ang naging proud sa 22 taong gulang na beauty queen dahil sa magaling na pagkasagot nito sa final question and answer portion.

Si Stephanie del Valle ng Puerto Rico ang kinoronahang Miss World 2016, samantalang si Miss Dominican Republic na si Yaritza Reyes ang 1st runner-up at ang Miss Indonesia na si Natasha Mannuela ang 2nd runner-up.

Si Gray ang 3rd Princess at si Miss Kenya na si Evelyn Thungu ang 4th Princess.

Sa Question and answer portion, natanong si Gray ni Miss World 2015 Mireia Lalaguna ng “Which qualities do you think it will take to wear my crown?”

Na sinagot naman ng beauty queen mula Bicol ng, “I think, first of all, it takes bravery. To be a Miss World is to carry a burning torch, it is the action carried out by one to illuminate the lives of many and I would dedicate my whole self, my love for the arts, and my voice to try and uplift, empower, and educate people.

“And it would be my greatest honor and duty to hold this torch high enough so that all the world could feel and see its light.”

Samantala, sa pakikipag-usap ni Gray sa Philippine pageant website OPMB, sinabi nitong, “I really gave my all and I hope I made you guys proud. It was an honor to carry the Philippine flag on a world stage. Salamat.”

At nang tanungin kung ano ang gagawin matapos ang pageant, sinabi nitong, “I dont know, Christmas muna. Sleep muna, hibernate.”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply