Saturday , June 15 2024

Direk Matti at Dingdong, nagka-ayos na

NATANONG si Direk Erik Matti kung okay na sila ni Dingdong Dantes na nagkaroon ng gusot pagkatapos nilang gawin ang pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles na entry ng Reality Entertainment at Agosto Dos na entry sa 2014 Metro Manila Film Festival.

Kuwento ni direk Erik, nagkita sila sa festival presscon ni Dingdong at nag-usap at okay na raw sila. Katunayan ay nag-pitch pa siya ng pelikulang pagsasamahan nina Dingdong at Piolo Pascual na may titulong Pintakasi na isinali sa Macau Film Festival.

Hango sa trahedyang Mamasapano ang kuwento ng pelikula nina Piolo at Dingdong.

”But the main goal is to find out what really happened before that. Tapos, the failure of the mission. Hindi naman siya failure. Kasi nakuha naman nila ang gusto nila. But we lost 44 soldiers.

“Wala pa kaming shooting date for that. But we already brought in to the project, si Piolo and Spring Films. We’ve been talking to Joyce Bernal about it since last year.

“And then we also brought in for another role si Dingdong and his company Agosto Dos. But we’re not rushing the project. It’s not a small project.

“The reason for the Crouching Tiger (award na iginawad sa kanila ni Dondon Monteverde sa Macau), it’s a project pitch for East-West collaboration. So East-West collaboration, meaning, there are segments in the story na hindi lang siya purely Pinoy or purely Asian.

The ‘Pintakasi’ story has an American angle too. Siguro nagustuhan nila.

“We met some interested companies who are willing to explore the project with us. Hopefully, we’ll get a little more funding or a little more support internationally,” kuwento ng direktor.

”Okay na kami! Okay na kami. I mean, there was a bit of parang miscommunication that was a year ago but we already sat down. We’ve discussed ‘Tiktik 3’.

“We sat down with Dingdong. We’re exploring some Marian (Rivera) projects. We’re doing a pitch for Marian. Oo we’re all gentlemen and we’ve all talked about it!” mahabang kuwento ni direk Erik.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Sanya Lopez

Sanya napraning sa stalker

MA at PAni Rommel Placente INAMIN ni  Sanya Lopez sa interbyu sa kanya sa Chika Minute sa 24 Oras, na …

Charles Raymond Law

New heartthrob ng Viva wish makagawa ng mala-Freddie Highmore role sa The Good Doctor

MATABILni John Fontanilla NAGDIWANG ng kanyang ika-16 birthday ang future heartthrob ng Viva Entertainment na si Charles Raymond …

Wize Estabillo

Bidaman Wize inalok ng P1-M kapalit ng one night stand

MATABILni John Fontanilla DAGSA ang natatanggap na indecent proposal ni Wize Estabillo sa kanyang mga social media …

Joshua Garcia Carlo Aquino Charlie Dizon

Joshua hinanap sa kasal nina Carlo at Charlie

MA at PAni Rommel Placente INISNAB nga ba ni Joshua Garcia ang kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon? Tanong …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kelvin kakaiba ang na-experience nang makatrabaho si Kira

RATED Rni Rommel Gonzales REFRESHING mapanood sa isang pelikula na magkapareha ang isang Kapuso at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *