Sunday , September 25 2022

Mercedes, handa raw humarap at humingi ng sorry kay Mother Lily

HINDI nakarating si Mercedes Cabral, bida ng pelikulang Oro sa Metro Manila Film Festival 2016 countdown na ginanap sa SM Skydome noong Sabado, may out of town shooting daw.

Klinaro ng manager niyang si Shandy Bacolod na hindi raw ito umiiwas sa press.

“Hindi naman, nagkataon lang talaga na may new film under AC Rocha na it’s about AIDS at out of town pa. Actually, sila ni Joem Bascon ang wala sa mall show ngayon. Si Joem mayroon namang ginagawa under Brillante Menzoda.

“Hindi naman siya umiwas, nagkataon lang na busy siya ngayon and we’re doing a presscon naman for ‘Oro’ starting next week na lahat ng events ng MMFF ay darating naman siya (Mercedes).

“And as a manager din naman also I already told her na she should start answering din also at para mailabas din naman ‘yung side niya.”

At dahil negatibo ang dating ng aktres sa netizens ay baka makaapekto ito sa kita ng Oro ngayong MMFF.

“I believe hindi naman may mga nagsasabi nga na baka raw gimik namin para mag-ingay ‘yung ‘Oro’.

“Of course, we won’t do that kasi as a producer also of ‘Oro’, masyadong maselan kasi ‘yung pelikula, kasi ‘di ba this is based in true events, kaso siya for massacre.

“Hindi ko papayagan na gumawa ng gimik para lang pag-usapan lalo na ‘yung pamilya ng mga namatayan ay buhay sila at nakikipaglaban pa sa hustisya. Hindi talaga gimik lang,” katwiran ng manager ni Mercedes.

Inamin din na pinagalitan daw nito ang alaga niya, ”sa totoo lang, pinagalitan ko siya to the highest level, talagang iniyakan niya at sobrang galit ko talaga, grabe as a manager and as a friend.

“May assistant kasi na nag-screencap about it, so the original message, wala ‘yung word, ‘yung cause-word na ‘yun. It was just basically, ang emote niya (Mercedes) lang, just referring na emote rin ng lahat ng tao na ang Pasko ay para sa lahat, siguro na re-edit nalagyan ng words na fucking idiot. Alam ko naman na ‘yun ang pinakamalaking isyu.

“But knowing Mercedes, never siyang na-involve sa kahit anong isyu eversince and nakita natin kung paano niya na-survive ang industriya from being an indie actress, ‘yung hirap hanggang sa international actress siya at wala siyang katrabaho na hindi siya minahal.

“Kasi never siyang nali-late, barkada lahat hanggang utility, so hindi niya character, lalo na takot siya sa seniors.

“At ‘pag nakita naman ‘yung post, she (Mercedes) never mentioned Mother’s name (Lily Monteverde) and never the word na, ‘she’s a fucking idiot’. Basically, it’s the concept and ayokong sabihing porke’t manager ako kaya ko ipinagtatanggol but, I believe out of context lang naman at misunderstood and ako masasabi ko na may valid reason naman lahat ng mga gustong sabihin and I agree sa sinabi ng lahat na ‘yung words ay mali ang pagkakagamit, masama ‘yun.

“Pero ipagtatanggol ko na it was never meant na bastusin si Mother Lily, senior namin siya and kung totoong may reklamo ang mga tao sa kanya o sinuman sa mga alaga ko, at the end of the day, mas marami pa siyang ginawa para sa industriyang ito.”

Bakit hindi pa humihingi si Mercedes ng paumanhin kay Mother Lily?

“Siguro when we were ask to talk or to be interviewed, I actually I asked her kung gusto niyang magpa-interview, siguro at that time, na feel niyang ayaw niyang palakihin ang isyu kasi hindi niya pinanindigan na sinabi niya ‘yun.

“Pero ngayong lumaki na, she’s ready to talk na talaga, lahat ng presscon ng MMFF, she’s gonna be there, she’s gonna talk. Alam mo sa totoo lang, mahihiya siya kay Mother Lily,” sabi pa.

Sabi rin namin na puwede namang dalawin si Mother Lily maski anong oras.

“I agree with you, oo tama naman po kayo, wala lang talaga siya ngayon, next week pa ang balik nila ni Joem.

“Nasasaktan din ako sa mga nababasa ko na kung ano ang nagawa niya sa industriya, but this is not an issue kung ano ang nagawa niya sa industriya because at the end of the day, maraming pelikula na rin ang nagawa ang alaga ko from Denmark to Dubai.

“Siya ang kauna-unahang nagkaroon ng teleserye sa Middle East, but never niyang ipinagyabang. Ang ipinagmamalaki ko na lang ay ‘yung karakter ng alaga ko and she’s ready naman to face kung may nasaktan siya at magso-sorry siya, mag-e-explain,” kuwento ng manager ni Mercedes.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa …

Leave a Reply