Thursday , September 29 2022

2 Cool 2 Be 4gotten, namayani sa Cinema One Originals FilmFest

NANGUNA ang pelikulang 2 Cool 2 Be 4gotten ng Kapampangang direktor na si Petersen Vargas sa ika-12 taunang Cinema One Originals Film Festival Awards nang magkamit ito ng tatlong tropeo, kabilang na ang Best Picture.

Panalo rin ang naturang pelikula ng Best Supporting Actor para sa  Hashtags member na si Jameson Blake at Best Cinematography para kay Carlos Mauricio sa awards night na ginanap sa Dolphy Theatre noong Linggo (Nob. 20).

“Salamat, Kapampangan cinema, na nagbigay oportunidad sa akin na magkuwento,” pahayag ni Petersen nang tanggapin nito ang parangal. “It has always been Kapampangan cinema that I’ve been inspired of and inspired by.”

Tampok sa 2 Cool 2 Be 4gotten ang kuwento ni Felix, isang estudyanteng masipag ngunit walang kaibigan na nabago ang buhay nang dumating sa paaralan ang dalawang magkapatid na half-American. Naganap ang kuwento ng pelikula sa Pampanga, bilang pagbibigay-pugay ni Petersen sa kanyang pinanggalingan.

Nag-uwi rin ng tatlong parangal ang Baka Bukas ni Samantala Lee, kabilang na ang Best Actress para kay Jasmine Curtis-Smith, Best Sound para kay Andrew Milallos, at Audience Choice Award.

Maluha-luha namang tinaggap ni Jasmine ang parangal. Aniya, “Gusto kong mag-shout out sa lahat ng nanonood sa film namin… Ang dami niyong reviews, at naging sari-sariling critics kayo sa film namin. At para riyan nagpapasalamat kami. At mabuhay ang LGBT community. Nandito ako para sa inyo hanggang sa dulo.”

Samantala, nasungkit naman ng Lily ni Keith Deligero ang pinakamaraming parangal, kasama na ang Best Director, Best Editing, Best Actor para kay Rocky Salumbides, at Best Supporting Actress para kay Natileigh Sitoy.

Ang geriatric action film ni Jules Katanyag na Si Magdalola At Ang Mga Gago naman ang nakatanggap ng Special Jury Prize.

Nagbukas noong Nobyembre 14 ang Cinema One Film Festival 2016 at natapos noong Nobyembre 22.

Ang Cinema One Originals ay isang taunang film festival na binibigyan ng pagkakataon ang talentadong Pinoy storytellers na isapelikula ang kanilang mga kuwento mula pa noong 2004. Isa itong local independent film festival ng Cinema One, isang cable channel na bahagi ng Creative Programs, Inc., isang subsidiary ng ABS-CBN.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply