Saturday , September 24 2022

Ibyang, inalok ng kasal ni Jeremy Lapena

NANG imbitahin si Sylvia Sanchez sa isang Celebrity Inclusion Fashion Show na may titulong Beauty Knows No Boundaries, Asia’s First Pageant for People with Special Needs na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University handog ng MP at JCA Productions ay umoo kaagad siya dahil malapit ang puso niya sa mga batang may pangangailangan.

Ang ganda at nakatutuwa ang mga batang may special needs dahil pawang mga sikat na celebrity ang dumalo sa okasyon at balita namin ay hindi raw sila naningil ng talent fees tulad ni 2010 Miss Universe 4thRunner-Up, Venus Raj, Mylene Dizon, mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza, Jerika Ejercito, Angel Jacob, Ria Atayde, Rocco Nacino, Paolo Bediones, Tim Yap, Kramer Family na pinangungunahan nina Cheska at Dough at mga anak, Heart Evangelista-Escudero, at Judy Ann Santos-Agoncillo,bukod pa sa ilang GMA artists na hindi namin kilala, pasensiya na po.

Kuwento ni Ibyang, “gusto ko talaga ang mga ganitong project, basta para sa mga batang may special needs o sa mga taong may sakit, hindi ko ito tatanggihan. Kaya noong tinawagan ako ng coordinator ni Ms Suzanna Yuzon, umoo kaagad ako.”

Wala naman daw pagkakaiba ang mga batang may special needs sa mga matatandang maysakit na Alzheimer’s tulad ng ginagampanan niya sa seryeng The Greatest Love bilang si Nanay Gloria.

Nakatutuwa ang mga bata dahil maski na may special needs sila ay ang gagaling nilang kumanta at ‘yung iba ay sanay sa tao dahil panay ang kaway at ‘yung iba ay first time lang sigurong sumali sa ganitong okasyon kaya aloof pa.

At pagkatapos ng Beauty Knows No Boundaries ay dumiretso naman kaagad si Ibyang sa isinagawang Bida Kapamilya Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko An Integrated News and Current Affairs Family Fair sa Marikina Sports Complex na dinaluhan din ng maraming artista ng ABS-CBN.

Kaya ang post ni Ibyang sa kanyang IG, noong Linggo, “I had a long day today but super happy, contented and blessed because of my partner Jeremy Lapena.

“As we walked, he told me something that I couldn’t understand. I got shocked when we stopped in the middle because he knelt down and proposed ahahaha omg how cute is he!

“Hahaha he loves Mama Gloria and he loves to watch #TGL#TheGreatestLove thank u Jeremy, for brightening up my day. And for reminding me to love unconditionally.

“Na-touch mo puso ko, kanina lang kita na-meet but na-love kita kaagad, ang dami mong naturo sa akin today and I want to see u again soon. Perhaps, we can have dinner, Jeremy? Thank you  #MissPossibilitiesPHfor giving me this opportunity. Happy Sunday, everyone!

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ryza Cenon

Ryza tinalakan ang Maynilad (Water bill umabot ngP120k) 

MATABILni John Fontanilla SUPER shock si Ryza Cenon nang bumulaga sa kanya ang bill niya sa tubig …

Vhong Navarro Atty Alma Mallonga

Abogado ni Vhong nanindigan: ‘Di totoo ang bintang na rape

MA at PAni Rommel Placente SA panayam pa rin ng PEP.ph sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. …

Janice de Belen Inah Estrada Jake Vargas

Janice sa isyung buntis ang anak — Mahirap itago iyan dahil sa socmed

DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang …

Bong Revilla Jr

Sen Bong mamimigay ng kotse, motorsiklo, laptop, at cash sa kanyang kaarawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TIYAK na marami ang matutuwa sa espesyal na regalo ni Sen …

Vhong Navarro Tanya Bautista

Misis ni Vhong nananalig mapapawalang-sala ang asawa

HUMARAP kahapon ng hapon ang misis ni Vhong Navarro na si Tanya Bautista para maglabas ng saloobin ukol sa …

Leave a Reply