Wednesday , October 5 2022
blind item woman

Talent manager, nairita sa babaeng personalidad na ginagamit ang mga hininging damit para sa charity project

“NEVER again!” Ito ang imbiyernang naibulalas ng isang talent manager na hinding-hindi na raw magdo-donate ng mga naisuot na damit ng kanyang mga alaga sa charity project ng isang babaeng personalidad.

“Nunkang may maasahan pa siya sa akin! Imagine, naloka na lang kami ng alaga ko noong makita naming suot-suot niya ‘yung idinoneyt naming dress? Ang buong akala namin, eh, para ‘yon sa project niya, ‘yun pala, eh, siya lang ang makikinabang sa mga donasyon!”

Natuklasan kasi ng manager na bago pala i-turn over ng babaeng personalidad ang mga nalikom niyang used clothes ay pinagpipilian muna niya ang mga ito. At ang mga puwede pang pakinabangan ay kinukuha niya para isuot.

Da who ang female celebrity na ‘yon na sa kanya pala napupunta ang mga maaayos pang damit at latak na lang ang ibinibigay sa ngalan ng kawanggawa? Itago na lang natin siya sa alyas na Kathryn Versoza.

( Ronnie Carrasco III )

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply