Thursday , September 29 2022

Radha, ayaw ibuko kung sino ang nagbibigay ‘joy’ kay Jomari

BIG girls with big…Oomph.

Ikinuwento nga ni Frenchie Dy sa akin na may taping siya for MKK nang mapadpad kami sa Solaire Resorts and Casino na magkakaroon sila ng very special show ng kanyang mga kaibigang sina Radha at Bituin Escalante sa Disyembre 3, 2016 sa Theatre at Solaire.

Ang Fullhouse Asia at si Gina Godinez ang naka-isip ng konsepto na pagsamahin silang tatlo sa nasabing concert na may pamagat na The Big Big Show.

Bawat isa naman sa kanila eh, talagang hindi mo palalampasin ang talento pagdating sa pagkanta. May pagka-jazzy si Bituin, ruma-rock si Radha, at puma-pop-ballad si Frenchie.

Nasampulan kami ng tatlo sa Theatre at Solaire nang iprisinta sila sa amin at paringgan ng pagbi-blend ng mga boses, pati na ang mga kalokahang makikita sa nasabing palabas na siguradong magiging kaabang-abang.

Si Radha na lang pala sa kanilang tatlo ang hindi pa talaga nakakasalang sa legitimate stage although ibinuking ng kanyang friend pati na ni Frenchie na may offer naman daw noon pero tumanggi lang ito.

Magkakaiba ng personalidad ang tatlo at kahit si Radha ang pinaka-Ate sa kanila eh, parang si Bituin ang nanay nila na nagpapatahimik sa kanila kapag umo-OA na sila sa kakulitan.

For the nth time, nausisa na naman si Radha tungkol sa kanyang lovelife. At ang hindi matapos-tapos na pagli-link sa kanya at sa Konsehal na ngayon sa Paranaque na si Jomari Yllana.

Malinaw na malinaw na! Na never na naging sila ni Jom. At ni hindi ito nanligaw sa kanya. It so happened na naging bahagi siya ng staff ni Jom nang itatag nito ang Fearless Productions with Ronald Singson kaya madalas na makita si Radha sa mga event at activities ng Fearless.

Ni hindi raw niya pinagnasaan si Jom. Kaya tawa kami ng tawa kay Radha.

Pero ayaw nitong aminin sa amin kung totoo ang balitang deeply, madly, in love si Jom ngayon sa isang nagbibigay ng ‘joy’ sa buhay niya na madalas niyang puntahan sa Kyusi kahit pa ang dapat na maging balwarte niya eh, ang Paranaque.

Talagang kaibigan si Radha at tikom pa rin ang bibig nito kahit may mga usap-usapang in love na ngayon si Konsi sa isang nagtatrabaho sa Quezon City Hall.

Samantala, very emotional naman si Bituin nang makausap namin ito dahil katatapos lang mabalitang pumayag na ang Korte Suprema dahil sa siyam na bumoto para mailibing na sa Libingan ng mga Bayani ang dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos.

Ni-recall ni Bito ang mga panahong naroroon siya sa EDSA. Dahil ‘yun pala ang panahong namaalam na sa kanya at sa buong pamilya nila ang ama. Dahil papunta na ito sa Libis at maghihintay na lang ng oras nila sa kalalabasan ng nasabing Rebolusyon. At kasama na ito sa mga haharap sa tangke at magpapasagasa.

Pero naiba ang ihip ng hangin. The tide turned, sabi nga.

Sabi nga ni Bituin, “But afer that, we haven’t been vigilant…Natakot din tayong lahat. What did we do? It is just a footnote na lang in our history books. People abused…killed…I might need favors from them in the future. But for now, let us make a stad. It does not mean naman na we have to be on the same side. But we have to build a better nation. Kaya nga siguro, nagtaka ako, bakit ako naka-itim now. Eto pala ‘yun!”

The pa-demure Frenchie naman is happy with her 3-year old son at sa mga pagkakataon ngang may guesting siya sa MMK and all the stuff. Happy.

Lalo pa at may ganito silang proyetong magkakaibigan.

Bukod sa kung anong malaking nakikita sa kanila physically-nagkakaisa ang tatlo na ang isa pang malaki sa kanila eh, ang mga puso nila and their talent na hindi matatawaran!

HARDTALK – Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply